Saturday, March 28, 2009

late

Andaming kong naantalang isulat.

Una, nag graduate sa high school yung tinutulungan kong pamangkin last Tuesday. Panay-panay ang txt nya. Nagpaparamdam ba ng pang pyesta sa graduation nya. Pero di ako bumigay. Nasira pa raw kasi yung cellphone nya na wala pang six month na pinadala ko. Byerna.

Ang maganda, yung pinsan kong lasenggero, na dating partner ko paminsan minsan sa mga bisyo ko noong nasa college pa ako, ang pinilit ni Mam Yeng na mag escort sa panganay nilang anak na 20 years old nang mag graduate ng high school.

Yung bespren ko naman ay nagkasya sa pagluto ng isang menu, pork-chicken afritada. Halos mamatay ako sa takam. Lam nyo naman, walang pork (or bihira at mahal kung meron mang ma smuggle) dito sa Kaharian ni Saud.

Ikalawa, birthday ngayon ng kaibigan kong nanay ni Ace. Pot-luck daw kaninang lunch time sa saloon ni Mel.

Nag txt sa akin ang love kong si Ace at naawa naman ako sa kanya na wala raw syang pangregalo sa mother nya.

Medyo nainis ako pero di ko naman masisi kasi un-employed pa rin ang BS Ed graduate kong singer ng banding bihira lang din ang gigs.

Feeling guilty tuloy ako na di natuloy ang pagpunta ni Ace ditto kasi nga naman nag stop hiring ang company na dapt nyang pasuka. Blame it to the global economic meltdown.

At least nasa Heidi’s Place na sila ni Mel at ang bespren ko for some bottles of beer. Sana andoon ako para narinig ko ang kanta ni Ace. Laglag na naman sana ang thong ko.

Third. If things go well, makakapiling na ni Zambo ang wife at daughter nya. We are still waiting for the family visa but Zambo’s beloved wife and darling daughter are now in my pad at Saint Monique Valais preparing their papers to push at the Saudi embassy in Makati.

Bago umalis ng Zamboanga ang mag-ina ni Zambo ay nagpadala ito ng pera para sa thanksgiving nila. May budget na para sa simbahan.

Pero ng malaman ni Zambo na ibibigay ng direkta sa pari ang pera, pinigil ni Zambo at nagmungkahing ibili na lang ng bigas at sardines at odong para ibigay sa mga mahihirap sa lugar nila. Halos 70 families din ang nakinabang sa pa thanksgiving nila.

Am sure mas nasiyahan si Lord Jesus sa good deed ni Zambo and family.

Kinikwento ito ni Zambo habang sinundo nya ako sa office gamit ang brand new car na kulay black. Binili nya ng hulugan at zero downpayment para may magara syang oto pagdating ng mag-ina nya.

Lastly, two weeks back, I had been calling the Philippine embassy here in Riyadh. I wanted them to work for some jailed Filipinos who had completed their jail terms. My blood pressure rose cause I could not get them over the phone. I went through their website.

I was surprised to read that a police attaché is recently deployed in the Saudi capital. May budget sila? Ano naman kaya ang gagawing ng pulis dito? Bantayan ang embahada o ang ambassador? Sana social workers na lang ang pinadala o psychiatrist.

Anyhow, I found more telephone numbers from the site but then that didn’t help since the phone just kept on ringing but nobody is picking up the f_c_ing phones.

I got the email address though and scribbled a letter and sent it.

After a week, I received a reply. They consul said they will contact the OFWs employer and relay the migrant workers wish that they not be deported when they get freed as the usual procedure.

The embassy said it is an SOP for the hoost government to deport jailed foreigners after serving their terms.

Ang hari lang daw o ang governor ng Riyadh ang pwedeng pumigil doon sa deportation kung hihilingin ng kanilang sponsor sa mga makapangyarihan.

Well, what to do?

Sa listahan ng TO DO ko, kasali na ang pag alalay sa isang anak anakan kong masiglang nag oorganisa ng migranteng manggagawang handang ipagtatanggol ang mga karapatan ng mga OFWs.

Sana magsahod na talaga bukas para makapagplano kung saan ako mag week end sa Myerkules.

Haiz.

2 comments:

. said...

Nakakatuwa naman ang pagkasulat mo, sa pagkakakuwento mo, para akong bahagi ng iyong pamilya. :)

blagadag said...

@mugen salamat joms. di mo lang alam kung paano ako napapasaya sa mga kwento ng buhay mo. ang galing mo pating creative writer. tagahanga mo ako. as in may paiyak iyak pa ako at napapalakpak sa mga entries mo. haiz. ingats.