Monday, March 16, 2009

500

Namaga ang mga mata ni Mam Yeng. Ito ang txt sa aking ng bespren kong house manager sa bahay ko sa Davao. Hapon na ng mabasa ko sa office ang txt nya.

Bago nito, nag txt sa akin ang second son ni Mam Yeng sa akin at nanghingi ng pera para daw “para pangsuroy” nil ang utol nya sa downtown kasi Araw nga naman ng Davao. Nabasa ko to pagkagising ko noong Biyernes. Nag txt ako sa bespren ko at nanghingi sa kanya ng 500 pesos para ibigay sa pamangkin ko na first time naglambing sa akin.

Ok naman ang bespren ko at nangako ako sa kanya na dadagdagan ko ng 500 ang regular nyang allowance next month.

Kahapon, nag sermon si Mam Yeng. Di daw importante ang rason kaya galit sya at bakit nagmolestya sa akin ang pamangkin ko.

Nabuko tuloy na ang panganay pala na pamangkin ang nanghingi kaya inutusan nya ang kanyang kapatid na mag txt sa akin.

Namaga ang mata sa pag iyak habang nagsesermon si Mam Yeng.

Dating OFW sa Kuwait si Mam Yeng. Nag DH sya pagkatapos nyang gumradweyt sa pagiging guro. First year College si Mam Yeng noon ng komprontahin ng mama nya ang pinsan ko dahil nabuntis si Mam Yeng. Pormal na hiningi ng pinsan ko na ibabahay na nya si Mam Yeng at pananagutan ang kanilang anak.

High School drop out ang pinsan ko. Kaya pinilit nya na makapagtapos s imam Yeng sa kurso nya.

Yung di padyak na traysikad ay apat na taon pinapadyakan ng pinsan ko para maghakot ng mga pasahero sa gilid ng Ateneo de Davao makatapos lang si Mam Yeng.

Ng mag abroad si Mam Yeng ay minsan o tatlong beses syang sumulat sa akin at pilit na inaalis ang homesickness nya. Noong una ay nagrereklamo sya na palagi raw sya sinisigawan nga mo nya. Ng maipaliwanag ko sa kanya na malalakas lang talaga ang boses ng mga Arabo ay di na nasindak si Mam Yeng at ok na sya. Pagkatapos ng kanya kontrata ay umuwi na siya sa Pilipinas upang makapiling uli ang kanyang pamilya.

Ngunit ang eroplanong sinakyan ni Mam Yeng ay dumaan sa Hong Kong kung saan sya naloko ng isang Pinoy. Ninakaw ang kanyang dalang pera pati pasaporte nya.

Nawala sa matinong pag-iisip si Mam Yeng ng ilang buwan bago sya napauwi sa Manila at sa Davao. Kung di ako nagkamali, yung institusyon yata na nagtatag ng Migrante International ang tumulong sa pinsan ko noon sa Hong Kong.

Ang kwento ng pinsan ko, pag may dumaan na eroplano sa kalawakan at narinig nya ang ingay nito ay nagtatago sa ilalim ng mesa si Mam Yeng.

Lumipas ang mga taon, gaya ng sabi ng mga nakakatanda na panahon lang ang makakalunas sa pilat ng dulot ng isang masakit na kahapon. Gumaling din si Mam Yeng.

Mahigit dekada na rin syang nagtuturo sa elementarya pagkatapos nya sulatan ang isang malayong kamag anak ng pinsan ko na dating head ng Sandiganbayan upang tulungang makapasok sa pampublikong paaralan.

Ngayon, 3 ang pinapag aral ni Mam Yeng. Sa bahay ko sila nakatira ngayon dahil pinaalis sila ng pinsan ko sa bahay na dati nilang tirahan.

Di ko masisi si Mam Yeng na magalit sa mga anak nya. Doble doble ang pasan nya dahil siya na halos ang nagpalaki sa mga anak nya.

Naisip ko, ayaw lang akong maloko ng mga anak ni Mam Yeng dahil alam nya ang hirap maghanap ng pera sa abroad at siguro na gi guilty sya na di nya naibibigay ang lahat na gusto ng mga anak nya.

Pero alam ko na mahal na mahal ng mga pamangkin ko si Mam Yeng.

Kaya gustuhin ko man magalit na niloko pala ako ng mga pamangkin ko ay naiisip ko na gusto lang ng mga bata na magliwaliw. Mali nga lang na di nila ako diniretso.

Pag uwi ko, mag-uusap kami ng mga pamngkin ko ng masinsinan.

Salamat sa 500 peso. Dahil dito magkakaroon ng realistikong pagpapaunawa sa mga pamangkin ko kung ano ang tunay na buhay ng isang OFW. At sana, magkakaroon ng realistikong pananaw ang mga pamangkin ko ukol sa buhay nila at sa kanilang ambisyong mag aral sa koleheyo.

Mababit naman ang mga pamangkin ko kasi. Yung pangalawa ay naunang nagtapos ng high school last year. Huminto kasi ang panganay noong matapos nya ang 3rd year dahil napasok sa isang stockroom ng tindahan ng mga sapatos. Para makatulong sa gastusin sa kanilang bahay ay patuloy syang nag hanap buhay hanggang nagtapos ng high school yung pangalawa.

Ng maka graduate ay ang paganay naman ang pinilit ng pangalawa ng magtapos ng high school.

"Mahirap maghanap ng trabaho na di ka man lang maka graduate ng high school, ang sabi ni Bibi noon sa Kuya Vincent nya.

Ngayong March 24 ay gagraduate na rin ang 20-years old kong gwapong pamangkin na kung tawagin ako ay Mommy.

Habang tinatapos koa ng entry na to ay nag text si Bibi sa akin. Salamat daw ng marami sa binigay ko sa kanyang 500 peso.

May maraming 500 pesos kaya sila ni Mam Yeng na pambayad ng matrikula kung mag koleheyo na si Bibi at Vincent? Abangan sa mga susunod na post.

5 comments:

Luis Batchoy said...

bait mo naman. Kaya ka madaming blessings eh

blagadag said...

@LuIS, batchoy, a.k.a zambo. kaw nga dyan andami blessings eh. dami mo pa friends sa manille tapos may hada pa sa yo sa loob na caru. ganda. ingetches gandeches luizches!

Luis Batchoy said...

sa dinami dami ba naman din ng mga sakit ng loob noh... I just look at the brighter side of things.. ur friendshipn is a blessing too..

fuchsiaboy said...

being an expat myself in another country i can't help but feel for other migrant workers who need to go abroad because there's really nothing back home. i feel lucky i'm not obliged to send money every month. it must have been hard when you know there's someone waiting back home.

Anonymous said...

dropped by