Tumutugtog ang isang lumang radyong may nakakabit na emergency light at electric fan na nagpapagising sa isang maliwanag na bilyaran sa gilid ng kalsada sa panulakan ng Sitio St Jude papuntang Sitio San Isidro sa Daliao, Davao City.
Dumadaan ako isang hapon noong aking bakasyon noong nakaraang buwan ng biglang umulan. “Makisilong lang po,” sabi ko habang sinalubong ako bago pa mapaupo ng marining ko ang pamilyar na boses ng isang papalapit na mukha ng aking nahihiwatigan. Medyo tumaba na nga pala si Mark, isang lalaking nakaulayaw ko minsan sa isa sa mga taon nang aking pag uwi ko sa nakalipas na labing walong taon mula Riyadh.
“Sugal ta Gar,” ang narinig kong anyaya sa akin ng isang pamilyar at medyo paos na boses. Nang ituon ko ang paningin sa mukha ng nagsasalita, namalayan ko na lang na naka oo na pala agad ako sa kanya. Si Mark pala.
Dati syang boyfriend ni Gerry, ang aking palaging partner sa “Ronda Mindanao” tuwing ako ay nagbabakasyon sa Toril, Davao City. Ronda Mindanao ang tawag namin kung kami ay nag-iikot sa bayan. Ang paglilibot na to ay cruising kung tawagin ng aking mga American friends.
Di ko makalimutan si Mark kasi, alaskado kasi si Gerry noonng ahasin siya ni Edwin, isang Japayuki entertainer na kaibigan ko rin. Ang kwento sa akin ng bestfriend ko, nagpapadyak si Gerry sa sala ng bahay ko at gumugulong sa sahig na umiiyak sabay dialogue, “Sige, tumbe, tamake pa ninyo akong nawng,” habang umiyak sa sakit na naramdaman ng malaman nya na nakaulayaw ni Edwin si Mark.
Ganyan ka love noon ni Gerry si Mark, noong binata pa ito. Si Mark naman, ilang taon ang nakalipas ng maganap ang anakondahan at wala na sila ni Gerry noon, ay nakatambalan ko ng ilang beses na gumanap sa isa, dalawa, o tatlong maiinit na pelikulang "Oh Yeah". Huh.
Tinuro sa akin ni Mark ang bilyaristang kulot ang buhok at hubad ang t-shirt. Sa lukluk ng aking isipan ay naala-ala ko na nakainuman ko na rin ang bilyarista ng minsang kasama ko si Makaw sa gilid ng basketbolan.
Napaupo ako sa upuang nakapaligid sa bilyaran, tabi ni Makaw, na una kong nakilala pagpanhik ko pa lang sa bungad ng mistualng bahay kubo na puno sa nanonood at nakikisilong dahil nga umaambon.
Nag umpisa na ang laro na di ko napansin. Napanood lang ako sa kalabang manlalaro at nabighani sa kanyang abs at imbes na sa laro ako nakatuon ay sa magandang abs at kilikili ako nakatitig habang nagalalaro sila ng tako at bola.
Naalala ko na may pusta nga pala kami at napatanong kay Makaw kung kanino ako itinaya ni Mark. Kumpiramado ni Makaw na kay kulot nga kami nakapusta.
Habang naaaliw ako sa katawan ng mga lalaking nagbibilyar dumating na rin si Mundoy na dapat ay kasabay kong maglakad para ehersesyo. Bumalik sya sa bahay dahil nalimutan ng kanyang jowa ang cellphone sa kama ng aking ever-loyal friendship.
“Basa ka,” Ssabi ko sa kanya. Medyo basa ang kanyang mga braso sa malalking tagaktak ng ulan. Inalok ko ang aking shawl na batik upang ipunas ngunit tumanggi sya sabay hugot sa kanyang signature na bandana.
Nababagot na ako ng malapit ng matapos ang pangatlong laro.
Last ball si Kulot at pumalya ang kanyang tira. Tira ngayon ang may magandang abs na tsinitong taga-Baybay na bilyarista.
Maraming bola syang hinulog sa buslo ngunit bago sya mag last ball ay di nabuslo ang tira.
Tinapos na nu kulot ang laro bago ako mabagot.
Naging 200 daan ang inihanda kong 50 pesos. Binayaran na rin ni Mark ang piakiusap na “time” ng kalaban dahil siguro ay ubos na ang pera nya. Napasakamay ko ang 130 pesos at binigay ko ang sampo na hininging balato ni Makaw.
May natalo may nanalo.
Bukas kaya sino ang panalo?
Ito rin ang tanong ko sa bakabakan ng mga militar at MILF sa Pikit na parang palaman ng tinapay na kumalat sa ibang bahagi ng Central at Southern Mindanao.
Gaya ng sugal na ang karamihan ay bihirang may mananalo, sigurado ako na ang mga sibilyan ang palaging talo.

No comments:
Post a Comment