After a month of working in Riyadh following my 30-day vacation in Dabaw, I wished I could go home again. But the sky-rocketing prices of the air ticket, which has more than doubled in less than a year is blocking all my hopes. I miss my bebe so much.
The thoughts of having a 10-day vacation and unable to go home is leaving me helpless if not driving me nuts.
I could only reminisce the days of my vacation. Below is a vacation article I wrote after the Bilyar story.
Senior Citizen kung silang tinuringan.
Umaga pa ay tulong-tulong na ang mga “tiguwang” sa sityo, San Roque, Baranggay Daliao sa pag aayos ng stage.
Sila kasi ang unang toka sa gabi-gabing kasiyahan na inihanda ng buong sityo isang lingo bago ang pista ng San Roque.
Habang tumutulong kay Mundoy ang mga kaibigan kong si Jhongjhong at Joel sa pagkabit ng mga ilaw ay nakapanayam ko si Mother Aster sa tahanan nina Peter Lloyd, isang visual merchandiser sa Riyadh.
Si Aster, Mader, kung tawagin namin sa Baranggay Daliao, ay tanyag na aktibo sa Women’s group at sa OFW Families Group kung saan siya ay ilang beses ng nahirang na presidente. Baangay Kagawad din si Mader at kung tama ang alala ko, una ko siyang nakilala ng panahonng eleksyon mahigit isang dekada na ang nakaran.
Nagklik agad kami ni Mader matapos syang magpakilala at sabihing 3 sa naka niya ay migrante at nasa Japan.
Bilang OFW, feeling ko mother ko na rin si Aster.
Nang maghuntahan kami, sinabi ni Mader na dapat may second-liner na rin sa Baranggay naming na papalit sa kanya.
Turn-over ceremonies na ang nakikita ni Mader. Ang bulungan nga ay dapat sa susunod na eleksyon ay iba na naman sana ang mahalal. “Si Mundoy ang ihirang natin sa susunod,” sabi ni Inay, nanay ni Peter Lloyd.
“Di na ako masyado nag active sa OWWA, Gar,” pahayag ni Mother Aster, na huli kong nakasama ay Migrante Partylist Orientation noon ng OFW Groups ng buong Davao City na dinaluhan ni Papa Roy at Papa John.
Parang nawalan lang daw ng gana si Mother at nabanggit nya ang pagka destino ni Mrs Zenobia Caro na dating OWWA Regional Administrator sa Dabaw at ngayon at Labor Welfare officer na yata sa Israel.
“Last Migrant’s Day, OWWA asked me to mobilize 100 OFW families pero 60 lang ang nadala ko. Libre pamasahe at pack lunch ang celeberation sa gym ng University of Mindanao.
Ang ibang grupo pala ay binigyan ng 30,000 at may 60,000 pesos na ibinigay sa mga lideres upang magdala ng mga tao. Yun pala, wala pang 2 OFW members ang dumalo sa mga dinala ng iba,” sumbong sa akin ni Mother Aster.
Kailangan ko makapanayam ang OWWA tungkol sa alegasyong ito pero alam kong hahanapan lang nila ako ng testiomonya sa binigkas ni Mother Aster.
“Eh ano ba naman yung sumbong,” sambit ko sa sarili.
Pera.
Pero teka lang. Pera yata ng OFWs yung ginastos at ang sabi ni Mother Aster ay pinamigay ng OWWA official sa mga di OFWs para dumalo sa Migrants Day celebration.
Nyeta! Eh, kung ang mga stranded sa Riyadh ay di nila mabigyan ng libreng tiket pauwi, eh pinamimigay na pamasahe lang pala ng mga di OFWs at kahon kahon pang packed lunch ang inuwi upang mag party. Nyeta talaga.
Bago pa umakyat ang blood pressure ko ay minabuti ko ng paunlakan ang alok ni Inay na magkape . Iniwan ko si Joel at Jhong ay tumulong sa pag ayos ng entablado sa San Roque.
Kinagabihan ay nag umpisa na ang palatuntunan na pinasinayahan ni dating Barangay Kapitan Boy Sucayre na member din ng Senior Citizen. Nakakatuwang nakakabagot na abangan ang kanta ng isang mang-aawit na kay tagal mag umpisang kumanta. Siguro dahil sa katanadaan ay mahina ng lumakad at ang labo na ng kanilang mga mata na mabasa ang pamagat ng kanilang kakantahing videoke.
Umalingawngaw ang boses ng matandang babaeng kumanta ng Paper Roses.
Bago matapos ang kanta ay may text messages na natanggap si Mundoy.
“Galing kay Emil,” sabi ng best friend ko na kasama ko sa bahay. Si Emil ay isang dating entertainer o cultural worker sa Japan na kaibigan ng kapatid ko.
Dati, nadalaw ako sa bahay ni Emil minsang nagbakasyon sya galling Japan. Pinagmalaki nya ang kanyang mga larawang kuha sa kanyang mga sayaw sa isang bar sa ibat ibang panig ng bansang Hapon.
Ngunit ng hinagupit ng paghihigpit ng bansang Hapon ang pagtrabaho ng mga mananayaw at ibat ibang klaseng entertainers ang Japan ay din a nakabalik sa kanyang trabaho bilang migranteng manggagawa si Emil.
Ngayon ay namamasukan sya sa parlor ni Enteng na dati ring nagtrabaho sa Iraq sa kanyang parlor.
Pinilit ko si Mundoy na pumunta kami sa Haidees, isang local videoke bar na pinagdausan ng birthday ni Emil.
Sakay agad kami sa trisikad habang nagsasayaw naman ang isang grupo ng mga lola. Dancing with the Lolas ang drama.
Alam na mga ng taga San Roque na ang minindal sa tuwing matapos ang padasal sa kapilya ay sponsor na ni Emil dahil palagi itong natataon sa kapistahan ng San Roque. Kaya sa Haidees ay inuman na lang ang maaasahan.
Inabutan ko na agad si Emil ng pandagdag sa kanyang party budget at bago ako malasing ay isang buttered chcken at limang platitong mani ang na order ko dahil sa napakaraming beer ar puro beer na lang ang sahog sa mga kantang pumupulandit sa isang gabing binuhusan ng malakas na ulan.
Kanta, beer, chat. Txt at chika sa mga nagsisidatingang panauhin. Naalala ko tuloy si Edwin Luis na mahigit din sampong taon na pabalik-balik sa Japan
Sa last chat naming ng kumustahin ko si Edwin, “Eto, nakanganga. Din a ako nakalabas uli,” ang malungkot na sabi ni Edwin.
Kung bakit kasi may nagpanukala pa na yung mga nakaapak lang ng dalawang taon sa kolehiyo ang pwedeng maging entertainer o cultural worker sa Japan. Wala naming maibigay na magndang hanapbuhay sa Pilipinas ang nagpapatupad ng polisyang yun.
Di ko tuloy malaman kung sino ang mangmang sa sinasabi ng pamahalaan.
Pauwi na kami ni Mundoy ay tinirik ng binahang kalsada ang aming sinakyang tricycle.
Kagaya ng trabaho ni Emil sa Japan na biglang natigil, napanalangin ako na sana’y umandar uli ang tricycle sa gitna ng ulan at baha at sana’s makatrabaho uli si Emil sa Japan.
Sa OWWA, sana’y magising kayo sa mga bagyo ng buhay na dinadanas ng mga OFWs bago pa kami sumabay sa galit ng malakas na ulan at kidlat na may kasamang pag-aaklas ng panahon.

No comments:
Post a Comment