Super laff akech sa SONAbelles ni Aling Gloring. Over sa OPM at naging fantasyadora pa na maging winabelles sa first world chinez ang everdearest Filiphs.
Ka chakahan sa kaechosan!
Sinech naman ang Got to believe in magic sa Richard Kipleys na SONAbelles ever?
Dreamgirl ang Lola. Trulili bang maging winabbeles ang economy and may I join the Miss First World Beauty ang Philippines kung imbes na mag make over into industrialized country ang inang bayan ay sell ang drama like ukay ukay ang mga natural resources sa foreign capitalists at ever bargain sale din ang mga government corporation as in privatization ang promo para magka datung.
Tama ba yung mag ilusyon kang maging mayaman kung mag benta ka ng mga ari-arian. Loss yan mama.
The rich never sell, they buy, yan ang sabi ng gay friend kong old rich na si Don Romero of Davao.
Over sa yabang ang lola Gloring na parang andalus muchos sa wishing bones nya magkaroon ng maraming airports at kilo kilong kalsada na para bang kulang pa sa kanya ang diosdado macapagal arroyo avenue. Juice ko pong fine eapple.. Baka dream ng lola na pati mga junakis ng mga junakis ay magkaroon ng kanya-kanyang street names. Parang mga street children.
Di ba, feel nga ng lola na ang mga junakis maging congressman. Di chox na ang mga apo ay maging street children. Lukrecia Kasilag!
Ilusyunadang walang dats. Ni bala nga ng junyon na jumujutok di sya makabili kaya tiguk ang kanyang mga marines sa tipo tipo. Headless pa. paano kasi, witchelles naman pala jumujotok ang bala ng junyon na kung saan buy ng kanyang alipores. Airport at kalsada na naman ang drama.
Knowing kech ever yung mga ghost bridges and roads sa Mindanao na kay ganda sa papel pero sa trulili ay putik ever if not alabok at lubak avenues naman ang mga roads to the mountain ever.
Laff na lang ako ng laff pero seriously, Maalaala Mo Kaya noong once upon a time may I cross the hanging bridge and let the horse swim the river to carry me over to the other side against the raging water to gather data sa isang massacre doon malapit sa boundary ng Bukidnon, Calinan at North Cotabato.
I wonder how the roads there are doing. It must be the same. No pavements. Of course, the massacares continue but the roads? Baka drowing pa rin. Sketch!
Over ang Soning ni Gloring!
Tocino + Sinangag + Itlog = ToSiLog
3 years ago
No comments:
Post a Comment