Friday, September 26, 2008

alas



I called Ace today. I didn’t expect I could connect to him. Aside from getting a very weak phone signal in their home, Ace phone is malfunctioning.

But luckily, Ace was on top of their house, literally, on the rooftop. I was not surprised. Ace could be found everywhere.





"Perhaps, somebody told me that you would be calling. So, I am here where I could have a better phone signal," Ace told me when I asked is he doing on top of their roof.

I felt happy to have talked again to my very special friend. Yes. He is very special to me, not to mention his third eye prowess.

Ace is a vocalist of a band, which he has deserted recently.

“I got fed up,” sabi nya. "I realized that I have to scout for a more stable job that would help me provide for my mom and I,” the 24-year old tall, dark and handsome-love-of-mine said.

Truly, Ace scouted for a job. This BS Education graduate is a mathematics-major. He is smart and chaming with children, too. Ace applied for a teaching post with the Department of Education in Compostela Valley.

Ika-186 si Ace sa listahan ng mga kukuning guro sa isang publikong mataas na paaralan sa kabilang ibayo ng Lungsod ng Dabaw, ang pinakamalaking lungsod in terms of land area sa buong mundo na nagdiriwang ng Kadayawan, noong kami ay nag-chikahan.

Sa haba ng listahan minabuti nya, sa susog ng kanyang ina na mag abroad na lamang muna. Ayon pa kay Melia, nanay ni Ace, panahon na rin na makita nya ang kanyang anak na tumayo sa sariling paa at makitang naghahanda sa pagkakaroon ng sariling pamilya. Melia is the bestfriend of my bestfriend. We, too are best of friends. Alam ni Melia na crush, di lang crush, na love ko si Ace.

Si Ace ay mag-isang pinalaki ng kaibigan kong may-ari ng isang na parlor sa Poblacion, Toril.

After finishing his baccalaureate degree in Education, nagdesisyong pursigihin ang kanyang hilig sa pagkanta with a band.

Sa Daungan, isang KTV bar kung saan nag wowork ang aking present lover na si beb, una kong nakilala at naring si Ace na kumanta pero meron pa syang mga flats noon sa nag iisang song na kinanta nya noon.

Ang pangalawa ay doon sa Janzar. It was my frist time to be in Janzar, isang medyo disenteng resto bar na may malaking video wall kung saan kitang kita ang kumakanta kahit andoon na ako sa open-space na smoking-area.

I was awed when Ace sang and dance. Ang cute nya, parang si Billy Crawford. He connects tohis audience, at wala ng flats.

Few hours before this the mother and son joined us in a family dinner. I invited Ace and Melia to a dinner at my mother’s home. I introduced Ace to my US-based sister and to Madz, who is scouting for some skilled guys to work in their company in Saudi Arabia.

I asked my brother to help Ace find a job in their company, which my brother promised to.

I grabbed that opportunity to invite Ace to my pad and type his CV kaya halos whole day sya sa bahay noon. Chika lang kami. Salamat sa Red Horse na tira naming the other night. May photo shoot din kami that time and I was able to expressed my feeling kay Ace. I never cared to ask on his feelings towards me.






Masaya na ako na nagiging close na kami nya. I know that Ace is straight. “Di pa ako nagkarelasyon sa isang gay,” Ace told me.








Sa isip naming dalawa, baka ako pa lang. Wishful thinking.

What caught me interested with Ace is his life living with a lesbian as his surrogate father.

“Yes, I call her Papa. Why should I be ashamed of that. Margot is a lesbian who lived with my mother when I was still young. Papa raised me for 20 years,” Ace told me. Margot died few years back and Ace sang Wild flower during her funeral rites.

So, Ace is not a total stranger with gay love. May hope ako.








Sana nga, makarating na sya dito sa Riyadh.




"Dili bitaw na mabuntis," his mom quipped.






Thursday, September 25, 2008

poste at peste

Operation Kahayag…Asa?

I woke up today with a TXT message from my beloved bestfreind informing me of more monies needed to get the Davao Light and Power Company to legally light unfinished house in Dabaw.

6K para deposit sa poste ug more or less 1,500 pesos para sa load meter.

Before this it was 16,000 for the new wiring and labor. When I was on vacation, I had to shell out few thousand pesos to correct he concrete post that has some error in mounting. Gumastos na ako, pangit pa rin ang poste sa tabi ng post ng gate. Andami ng gastos pero wala pa rin lights.

Si Speaker Nograles, nag launch sa Operasyon Kahayag sa amo lugar.

Actually, my house borders on two villages, Daliao and Dumoy. Dati, ang sityo namin, Saint Jude, ngayon gumawa ng bago, sitio San Isidro na.

Di ko alam kung sinong Santo pa ang dapat tawagin bago gumana ang mga poste na itinirik na sa sitio naming.

Parang hindi mga santo ang kailangan. Mga tao na nasa pera ang kailangan. Mga taong mukhang pera kasi ang nakatayo na mas matayog sa mga poste. Peste.

Before the Speaker, people involve in the lighting of our place has floated the idea of me paying for the costs of around five posts. Una, six thousand lang ang isang poste. Then, when I am about ready to go, the amount reached to nearly 300,000 pesos.

I could imagine the fortune those corrupt people would do had I gave in to the deal.

Now, ipaputol na raw lahat ang illegal connections ng DLPC pati PLDT bago pa connect ang kuryente sa mga poste.

More than a decade na ang application ko sa DLPC, ilang beses na narenew, ilang beses na nagbayad. May mga padulas na. Talo pa ang pwet ng bakla kung magpadulas ang mga hayup sa electric company.

Kaya from Riyadh, I bought with me four panels of solar to convert the rays of the sun into electricity.

May boyfriend pa ako noon na magaling sa technology. He was able to install the solar panels and have it function. May hitch nga lang doon na, I theorized may mali sa isang connection kasi nag iingay ang batteries kung exhausted na ang energy.

Ang ginawa, yung kubo sa tabi ng kapilya, ianplay naming ng kuryente sa DLPC kasi, malapit sya sa poste. Yung may ari ng kubo, libre kuryente, tapos ikinabit namin sa bahay ko yung wire na napakahaba upang lumiwanag ang bahay at gumana ang ref at computer ko. Ang hirap kaya na di ka makapag charge ng cellphone at di ka makagamit ng computer.

Kaya, I was eager to get a new line with Operation Kahayag.

Few weeks back, Karlo Nograles inaugurated the switching ceremony. I wonder what the switch is for. Wala pa man nahayag.

I will be sending more money today. Sabi nga nila, wag mawalan ng pag-asa. Letse talaga. Sana ako rin, di mawala ng pera.

Asan na kaya yung poste ni fafa, patayuin ko rin para makuryente ako. Magpadulas pa ba ako?

Wednesday, September 24, 2008

senyur sitisin, beer, birtdi, ofw, atbp.



After a month of working in Riyadh following my 30-day vacation in Dabaw, I wished I could go home again. But the sky-rocketing prices of the air ticket, which has more than doubled in less than a year is blocking all my hopes. I miss my bebe so much.

The thoughts of having a 10-day vacation and unable to go home is leaving me helpless if not driving me nuts.

I could only reminisce the days of my vacation. Below is a vacation article I wrote after the Bilyar story.

Senior Citizen kung silang tinuringan.

Umaga pa ay tulong-tulong na ang mga “tiguwang” sa sityo, San Roque, Baranggay Daliao sa pag aayos ng stage.

Sila kasi ang unang toka sa gabi-gabing kasiyahan na inihanda ng buong sityo isang lingo bago ang pista ng San Roque.

Habang tumutulong kay Mundoy ang mga kaibigan kong si Jhongjhong at Joel sa pagkabit ng mga ilaw ay nakapanayam ko si Mother Aster sa tahanan nina Peter Lloyd, isang visual merchandiser sa Riyadh.

Si Aster, Mader, kung tawagin namin sa Baranggay Daliao, ay tanyag na aktibo sa Women’s group at sa OFW Families Group kung saan siya ay ilang beses ng nahirang na presidente. Baangay Kagawad din si Mader at kung tama ang alala ko, una ko siyang nakilala ng panahonng eleksyon mahigit isang dekada na ang nakaran.

Nagklik agad kami ni Mader matapos syang magpakilala at sabihing 3 sa naka niya ay migrante at nasa Japan.

Bilang OFW, feeling ko mother ko na rin si Aster.

Nang maghuntahan kami, sinabi ni Mader na dapat may second-liner na rin sa Baranggay naming na papalit sa kanya.

Turn-over ceremonies na ang nakikita ni Mader. Ang bulungan nga ay dapat sa susunod na eleksyon ay iba na naman sana ang mahalal. “Si Mundoy ang ihirang natin sa susunod,” sabi ni Inay, nanay ni Peter Lloyd.

“Di na ako masyado nag active sa OWWA, Gar,” pahayag ni Mother Aster, na huli kong nakasama ay Migrante Partylist Orientation noon ng OFW Groups ng buong Davao City na dinaluhan ni Papa Roy at Papa John.

Parang nawalan lang daw ng gana si Mother at nabanggit nya ang pagka destino ni Mrs Zenobia Caro na dating OWWA Regional Administrator sa Dabaw at ngayon at Labor Welfare officer na yata sa Israel.

“Last Migrant’s Day, OWWA asked me to mobilize 100 OFW families pero 60 lang ang nadala ko. Libre pamasahe at pack lunch ang celeberation sa gym ng University of Mindanao.

Ang ibang grupo pala ay binigyan ng 30,000 at may 60,000 pesos na ibinigay sa mga lideres upang magdala ng mga tao. Yun pala, wala pang 2 OFW members ang dumalo sa mga dinala ng iba,” sumbong sa akin ni Mother Aster.

Kailangan ko makapanayam ang OWWA tungkol sa alegasyong ito pero alam kong hahanapan lang nila ako ng testiomonya sa binigkas ni Mother Aster.

“Eh ano ba naman yung sumbong,” sambit ko sa sarili.

Pera.

Pero teka lang. Pera yata ng OFWs yung ginastos at ang sabi ni Mother Aster ay pinamigay ng OWWA official sa mga di OFWs para dumalo sa Migrants Day celebration.

Nyeta! Eh, kung ang mga stranded sa Riyadh ay di nila mabigyan ng libreng tiket pauwi, eh pinamimigay na pamasahe lang pala ng mga di OFWs at kahon kahon pang packed lunch ang inuwi upang mag party. Nyeta talaga.

Bago pa umakyat ang blood pressure ko ay minabuti ko ng paunlakan ang alok ni Inay na magkape . Iniwan ko si Joel at Jhong ay tumulong sa pag ayos ng entablado sa San Roque.

Kinagabihan ay nag umpisa na ang palatuntunan na pinasinayahan ni dating Barangay Kapitan Boy Sucayre na member din ng Senior Citizen. Nakakatuwang nakakabagot na abangan ang kanta ng isang mang-aawit na kay tagal mag umpisang kumanta. Siguro dahil sa katanadaan ay mahina ng lumakad at ang labo na ng kanilang mga mata na mabasa ang pamagat ng kanilang kakantahing videoke.

Umalingawngaw ang boses ng matandang babaeng kumanta ng Paper Roses.

Bago matapos ang kanta ay may text messages na natanggap si Mundoy.

“Galing kay Emil,” sabi ng best friend ko na kasama ko sa bahay. Si Emil ay isang dating entertainer o cultural worker sa Japan na kaibigan ng kapatid ko.

Dati, nadalaw ako sa bahay ni Emil minsang nagbakasyon sya galling Japan. Pinagmalaki nya ang kanyang mga larawang kuha sa kanyang mga sayaw sa isang bar sa ibat ibang panig ng bansang Hapon.

Ngunit ng hinagupit ng paghihigpit ng bansang Hapon ang pagtrabaho ng mga mananayaw at ibat ibang klaseng entertainers ang Japan ay din a nakabalik sa kanyang trabaho bilang migranteng manggagawa si Emil.

Ngayon ay namamasukan sya sa parlor ni Enteng na dati ring nagtrabaho sa Iraq sa kanyang parlor.

Pinilit ko si Mundoy na pumunta kami sa Haidees, isang local videoke bar na pinagdausan ng birthday ni Emil.

Sakay agad kami sa trisikad habang nagsasayaw naman ang isang grupo ng mga lola. Dancing with the Lolas ang drama.

Alam na mga ng taga San Roque na ang minindal sa tuwing matapos ang padasal sa kapilya ay sponsor na ni Emil dahil palagi itong natataon sa kapistahan ng San Roque. Kaya sa Haidees ay inuman na lang ang maaasahan.

Inabutan ko na agad si Emil ng pandagdag sa kanyang party budget at bago ako malasing ay isang buttered chcken at limang platitong mani ang na order ko dahil sa napakaraming beer ar puro beer na lang ang sahog sa mga kantang pumupulandit sa isang gabing binuhusan ng malakas na ulan.

Kanta, beer, chat. Txt at chika sa mga nagsisidatingang panauhin. Naalala ko tuloy si Edwin Luis na mahigit din sampong taon na pabalik-balik sa Japan

Sa last chat naming ng kumustahin ko si Edwin, “Eto, nakanganga. Din a ako nakalabas uli,” ang malungkot na sabi ni Edwin.

Kung bakit kasi may nagpanukala pa na yung mga nakaapak lang ng dalawang taon sa kolehiyo ang pwedeng maging entertainer o cultural worker sa Japan. Wala naming maibigay na magndang hanapbuhay sa Pilipinas ang nagpapatupad ng polisyang yun.
Di ko tuloy malaman kung sino ang mangmang sa sinasabi ng pamahalaan.

Pauwi na kami ni Mundoy ay tinirik ng binahang kalsada ang aming sinakyang tricycle.

Kagaya ng trabaho ni Emil sa Japan na biglang natigil, napanalangin ako na sana’y umandar uli ang tricycle sa gitna ng ulan at baha at sana’s makatrabaho uli si Emil sa Japan.

Sa OWWA, sana’y magising kayo sa mga bagyo ng buhay na dinadanas ng mga OFWs bago pa kami sumabay sa galit ng malakas na ulan at kidlat na may kasamang pag-aaklas ng panahon.


Tuesday, September 23, 2008

Detoxicated


Ok na kami ni beb. Super txt sya sa akin kahit di nya nareceive ang mga earlier messages ko. Di ko kasi napansin na ibang phone number pala ang gamit nya.

Wala raw load yung number nya kaya ginamit nya yung isang SIM card na di ko napansin. Txt naman ako ng txt sa kanya. When I realized, super forward na naman ako ng mga sent msgs ko.

Nokonsensya naman kasi ako sa bata na akala nya ay break na kami kasi inisip nya na galit ako sa kanya.

Matuk mo ba namang, di ibinayad ang pera para sa eskwela.

After explaining that the money is intact and that he was unable to pay the tuition because the money given him is insufficient ay natahimik na ako. Baka ako pa ang makadagdag.

Sabi ko na lang sa sarili ko, hustohin ng cousin nya ang obligasyon nya na pag-aralin si bebe ko. Yun naman ang agreement nila before I entered into beb’s life.

Tama na yung moral support na lang ako kay beb. Mas maigi na yung matapos nya ang pag-aaral nya ng koleheyo na pinaghihirapan nya. Ayoko ng matulad pa sa dalawang pinaaral ko noon. Ni di ko alam kung totoong Cum Laude nga ba sa nursing o nag graduate ba talaga.

Yung isa naman kasing sumunod na pinaaral ko, di pa tapos ang second semester ay may Japayuki ng nabuntis. Masarap pa naman sana kasi laplapan talaga na pagulong-gulong at gifted child sya. Very talented and very skilled. Dinagit lang ng tinatagong gf nya. Merese.

Sino ba naman kasi ang nagsabi na Education is a previlege. Ang mahal ha?

Baka dalawang condo units na sana nabili ko sa The Fort kung nakainom agad sana ako ng kape sa tambayan nila Mandaya. Natauhan sana agad ako.

Yung nauna na nursing ang course pero lampas isang dekada ang relasyon naming ay napakastufid on bed. Dyutay na nga, laos pa. Puro pa tweetums na lang. Kung si Mundoy pa, mamon na lang palagi. Saan na nga kaya yung taong yon?

Di na nagpakita mula nang nakipag break ako sa kanya two years back.

Si bebe, bago lang kami. We were just nine days old when I left Dabaw on August 23. But we still feel the warmth of our affection to each adah.

Just enjoying the moments even far apart.

“I love you, beh.”

Labad

I tried to set a good day by reading Mandaya’s old postings. I finished all the entries already with a number of laughers I coud not help bursting. Obviously, I am happy with Mandaya’s love life. I wish to meet him and Kulot plus their gay freinds, too.

After four hours in the net, I stood up from my bed and prepared breakfast. I remembered that beb reminded me to take breakfast today since he was worried that I skipped breakfast yesterday. Tom Jones na rin. There was nothing that my taste buds crave for so I satiated myself with what were available, dried pusit and boneless danggit, boiled rice and banana shake.

While cooking, a txt message from my bestfreind said that my lover was “nagnilabad.”

Wala daw gibayad ang pangmatrikula nga gihatag sa iyang cousin nga gusto magpa eskwela sa iyaha.

After finishing my breakfast, I texted my beb.

He admitted and tried to explain that the money is intact and that he was still unable to pay the tuition because the money is not enough.

While my thoughts are lingering if my beb wants additional money from me, I quickly dismissed the idea. My scholarship foundation has been closed.

Enough of these paeskwela kwela. Way pulos. Daghan gastos, way graduates.

My mood has already been distracted. I am stressed out again.

Saturday, September 20, 2008

bilyar




Tumutugtog ang isang lumang radyong may nakakabit na emergency light at electric fan na nagpapagising sa isang maliwanag na bilyaran sa gilid ng kalsada sa panulakan ng Sitio St Jude papuntang Sitio San Isidro sa Daliao, Davao City.

Dumadaan ako isang hapon noong aking bakasyon noong nakaraang buwan ng biglang umulan. “Makisilong lang po,” sabi ko habang sinalubong ako bago pa mapaupo ng marining ko ang pamilyar na boses ng isang papalapit na mukha ng aking nahihiwatigan. Medyo tumaba na nga pala si Mark, isang lalaking nakaulayaw ko minsan sa isa sa mga taon nang aking pag uwi ko sa nakalipas na labing walong taon mula Riyadh.

“Sugal ta Gar,” ang narinig kong anyaya sa akin ng isang pamilyar at medyo paos na boses. Nang ituon ko ang paningin sa mukha ng nagsasalita, namalayan ko na lang na naka oo na pala agad ako sa kanya. Si Mark pala.

Dati syang boyfriend ni Gerry, ang aking palaging partner sa “Ronda Mindanao” tuwing ako ay nagbabakasyon sa Toril, Davao City. Ronda Mindanao ang tawag namin kung kami ay nag-iikot sa bayan. Ang paglilibot na to ay cruising kung tawagin ng aking mga American friends.

Di ko makalimutan si Mark kasi, alaskado kasi si Gerry noonng ahasin siya ni Edwin, isang Japayuki entertainer na kaibigan ko rin. Ang kwento sa akin ng bestfriend ko, nagpapadyak si Gerry sa sala ng bahay ko at gumugulong sa sahig na umiiyak sabay dialogue, “Sige, tumbe, tamake pa ninyo akong nawng,” habang umiyak sa sakit na naramdaman ng malaman nya na nakaulayaw ni Edwin si Mark.

Ganyan ka love noon ni Gerry si Mark, noong binata pa ito. Si Mark naman, ilang taon ang nakalipas ng maganap ang anakondahan at wala na sila ni Gerry noon, ay nakatambalan ko ng ilang beses na gumanap sa isa, dalawa, o tatlong maiinit na pelikulang "Oh Yeah". Huh.

Tinuro sa akin ni Mark ang bilyaristang kulot ang buhok at hubad ang t-shirt. Sa lukluk ng aking isipan ay naala-ala ko na nakainuman ko na rin ang bilyarista ng minsang kasama ko si Makaw sa gilid ng basketbolan.

Napaupo ako sa upuang nakapaligid sa bilyaran, tabi ni Makaw, na una kong nakilala pagpanhik ko pa lang sa bungad ng mistualng bahay kubo na puno sa nanonood at nakikisilong dahil nga umaambon.

Nag umpisa na ang laro na di ko napansin. Napanood lang ako sa kalabang manlalaro at nabighani sa kanyang abs at imbes na sa laro ako nakatuon ay sa magandang abs at kilikili ako nakatitig habang nagalalaro sila ng tako at bola.

Naalala ko na may pusta nga pala kami at napatanong kay Makaw kung kanino ako itinaya ni Mark. Kumpiramado ni Makaw na kay kulot nga kami nakapusta.

Habang naaaliw ako sa katawan ng mga lalaking nagbibilyar dumating na rin si Mundoy na dapat ay kasabay kong maglakad para ehersesyo. Bumalik sya sa bahay dahil nalimutan ng kanyang jowa ang cellphone sa kama ng aking ever-loyal friendship.

“Basa ka,” Ssabi ko sa kanya. Medyo basa ang kanyang mga braso sa malalking tagaktak ng ulan. Inalok ko ang aking shawl na batik upang ipunas ngunit tumanggi sya sabay hugot sa kanyang signature na bandana.

Nababagot na ako ng malapit ng matapos ang pangatlong laro.

Last ball si Kulot at pumalya ang kanyang tira. Tira ngayon ang may magandang abs na tsinitong taga-Baybay na bilyarista.

Maraming bola syang hinulog sa buslo ngunit bago sya mag last ball ay di nabuslo ang tira.

Tinapos na nu kulot ang laro bago ako mabagot.

Naging 200 daan ang inihanda kong 50 pesos. Binayaran na rin ni Mark ang piakiusap na “time” ng kalaban dahil siguro ay ubos na ang pera nya. Napasakamay ko ang 130 pesos at binigay ko ang sampo na hininging balato ni Makaw.

May natalo may nanalo.

Bukas kaya sino ang panalo?

Ito rin ang tanong ko sa bakabakan ng mga militar at MILF sa Pikit na parang palaman ng tinapay na kumalat sa ibang bahagi ng Central at Southern Mindanao.

Gaya ng sugal na ang karamihan ay bihirang may mananalo, sigurado ako na ang mga sibilyan ang palaging talo.