Saturday, March 28, 2009

late

Andaming kong naantalang isulat.

Una, nag graduate sa high school yung tinutulungan kong pamangkin last Tuesday. Panay-panay ang txt nya. Nagpaparamdam ba ng pang pyesta sa graduation nya. Pero di ako bumigay. Nasira pa raw kasi yung cellphone nya na wala pang six month na pinadala ko. Byerna.

Ang maganda, yung pinsan kong lasenggero, na dating partner ko paminsan minsan sa mga bisyo ko noong nasa college pa ako, ang pinilit ni Mam Yeng na mag escort sa panganay nilang anak na 20 years old nang mag graduate ng high school.

Yung bespren ko naman ay nagkasya sa pagluto ng isang menu, pork-chicken afritada. Halos mamatay ako sa takam. Lam nyo naman, walang pork (or bihira at mahal kung meron mang ma smuggle) dito sa Kaharian ni Saud.

Ikalawa, birthday ngayon ng kaibigan kong nanay ni Ace. Pot-luck daw kaninang lunch time sa saloon ni Mel.

Nag txt sa akin ang love kong si Ace at naawa naman ako sa kanya na wala raw syang pangregalo sa mother nya.

Medyo nainis ako pero di ko naman masisi kasi un-employed pa rin ang BS Ed graduate kong singer ng banding bihira lang din ang gigs.

Feeling guilty tuloy ako na di natuloy ang pagpunta ni Ace ditto kasi nga naman nag stop hiring ang company na dapt nyang pasuka. Blame it to the global economic meltdown.

At least nasa Heidi’s Place na sila ni Mel at ang bespren ko for some bottles of beer. Sana andoon ako para narinig ko ang kanta ni Ace. Laglag na naman sana ang thong ko.

Third. If things go well, makakapiling na ni Zambo ang wife at daughter nya. We are still waiting for the family visa but Zambo’s beloved wife and darling daughter are now in my pad at Saint Monique Valais preparing their papers to push at the Saudi embassy in Makati.

Bago umalis ng Zamboanga ang mag-ina ni Zambo ay nagpadala ito ng pera para sa thanksgiving nila. May budget na para sa simbahan.

Pero ng malaman ni Zambo na ibibigay ng direkta sa pari ang pera, pinigil ni Zambo at nagmungkahing ibili na lang ng bigas at sardines at odong para ibigay sa mga mahihirap sa lugar nila. Halos 70 families din ang nakinabang sa pa thanksgiving nila.

Am sure mas nasiyahan si Lord Jesus sa good deed ni Zambo and family.

Kinikwento ito ni Zambo habang sinundo nya ako sa office gamit ang brand new car na kulay black. Binili nya ng hulugan at zero downpayment para may magara syang oto pagdating ng mag-ina nya.

Lastly, two weeks back, I had been calling the Philippine embassy here in Riyadh. I wanted them to work for some jailed Filipinos who had completed their jail terms. My blood pressure rose cause I could not get them over the phone. I went through their website.

I was surprised to read that a police attaché is recently deployed in the Saudi capital. May budget sila? Ano naman kaya ang gagawing ng pulis dito? Bantayan ang embahada o ang ambassador? Sana social workers na lang ang pinadala o psychiatrist.

Anyhow, I found more telephone numbers from the site but then that didn’t help since the phone just kept on ringing but nobody is picking up the f_c_ing phones.

I got the email address though and scribbled a letter and sent it.

After a week, I received a reply. They consul said they will contact the OFWs employer and relay the migrant workers wish that they not be deported when they get freed as the usual procedure.

The embassy said it is an SOP for the hoost government to deport jailed foreigners after serving their terms.

Ang hari lang daw o ang governor ng Riyadh ang pwedeng pumigil doon sa deportation kung hihilingin ng kanilang sponsor sa mga makapangyarihan.

Well, what to do?

Sa listahan ng TO DO ko, kasali na ang pag alalay sa isang anak anakan kong masiglang nag oorganisa ng migranteng manggagawang handang ipagtatanggol ang mga karapatan ng mga OFWs.

Sana magsahod na talaga bukas para makapagplano kung saan ako mag week end sa Myerkules.

Haiz.

Monday, March 16, 2009

500

Namaga ang mga mata ni Mam Yeng. Ito ang txt sa aking ng bespren kong house manager sa bahay ko sa Davao. Hapon na ng mabasa ko sa office ang txt nya.

Bago nito, nag txt sa akin ang second son ni Mam Yeng sa akin at nanghingi ng pera para daw “para pangsuroy” nil ang utol nya sa downtown kasi Araw nga naman ng Davao. Nabasa ko to pagkagising ko noong Biyernes. Nag txt ako sa bespren ko at nanghingi sa kanya ng 500 pesos para ibigay sa pamangkin ko na first time naglambing sa akin.

Ok naman ang bespren ko at nangako ako sa kanya na dadagdagan ko ng 500 ang regular nyang allowance next month.

Kahapon, nag sermon si Mam Yeng. Di daw importante ang rason kaya galit sya at bakit nagmolestya sa akin ang pamangkin ko.

Nabuko tuloy na ang panganay pala na pamangkin ang nanghingi kaya inutusan nya ang kanyang kapatid na mag txt sa akin.

Namaga ang mata sa pag iyak habang nagsesermon si Mam Yeng.

Dating OFW sa Kuwait si Mam Yeng. Nag DH sya pagkatapos nyang gumradweyt sa pagiging guro. First year College si Mam Yeng noon ng komprontahin ng mama nya ang pinsan ko dahil nabuntis si Mam Yeng. Pormal na hiningi ng pinsan ko na ibabahay na nya si Mam Yeng at pananagutan ang kanilang anak.

High School drop out ang pinsan ko. Kaya pinilit nya na makapagtapos s imam Yeng sa kurso nya.

Yung di padyak na traysikad ay apat na taon pinapadyakan ng pinsan ko para maghakot ng mga pasahero sa gilid ng Ateneo de Davao makatapos lang si Mam Yeng.

Ng mag abroad si Mam Yeng ay minsan o tatlong beses syang sumulat sa akin at pilit na inaalis ang homesickness nya. Noong una ay nagrereklamo sya na palagi raw sya sinisigawan nga mo nya. Ng maipaliwanag ko sa kanya na malalakas lang talaga ang boses ng mga Arabo ay di na nasindak si Mam Yeng at ok na sya. Pagkatapos ng kanya kontrata ay umuwi na siya sa Pilipinas upang makapiling uli ang kanyang pamilya.

Ngunit ang eroplanong sinakyan ni Mam Yeng ay dumaan sa Hong Kong kung saan sya naloko ng isang Pinoy. Ninakaw ang kanyang dalang pera pati pasaporte nya.

Nawala sa matinong pag-iisip si Mam Yeng ng ilang buwan bago sya napauwi sa Manila at sa Davao. Kung di ako nagkamali, yung institusyon yata na nagtatag ng Migrante International ang tumulong sa pinsan ko noon sa Hong Kong.

Ang kwento ng pinsan ko, pag may dumaan na eroplano sa kalawakan at narinig nya ang ingay nito ay nagtatago sa ilalim ng mesa si Mam Yeng.

Lumipas ang mga taon, gaya ng sabi ng mga nakakatanda na panahon lang ang makakalunas sa pilat ng dulot ng isang masakit na kahapon. Gumaling din si Mam Yeng.

Mahigit dekada na rin syang nagtuturo sa elementarya pagkatapos nya sulatan ang isang malayong kamag anak ng pinsan ko na dating head ng Sandiganbayan upang tulungang makapasok sa pampublikong paaralan.

Ngayon, 3 ang pinapag aral ni Mam Yeng. Sa bahay ko sila nakatira ngayon dahil pinaalis sila ng pinsan ko sa bahay na dati nilang tirahan.

Di ko masisi si Mam Yeng na magalit sa mga anak nya. Doble doble ang pasan nya dahil siya na halos ang nagpalaki sa mga anak nya.

Naisip ko, ayaw lang akong maloko ng mga anak ni Mam Yeng dahil alam nya ang hirap maghanap ng pera sa abroad at siguro na gi guilty sya na di nya naibibigay ang lahat na gusto ng mga anak nya.

Pero alam ko na mahal na mahal ng mga pamangkin ko si Mam Yeng.

Kaya gustuhin ko man magalit na niloko pala ako ng mga pamangkin ko ay naiisip ko na gusto lang ng mga bata na magliwaliw. Mali nga lang na di nila ako diniretso.

Pag uwi ko, mag-uusap kami ng mga pamngkin ko ng masinsinan.

Salamat sa 500 peso. Dahil dito magkakaroon ng realistikong pagpapaunawa sa mga pamangkin ko kung ano ang tunay na buhay ng isang OFW. At sana, magkakaroon ng realistikong pananaw ang mga pamangkin ko ukol sa buhay nila at sa kanilang ambisyong mag aral sa koleheyo.

Mababit naman ang mga pamangkin ko kasi. Yung pangalawa ay naunang nagtapos ng high school last year. Huminto kasi ang panganay noong matapos nya ang 3rd year dahil napasok sa isang stockroom ng tindahan ng mga sapatos. Para makatulong sa gastusin sa kanilang bahay ay patuloy syang nag hanap buhay hanggang nagtapos ng high school yung pangalawa.

Ng maka graduate ay ang paganay naman ang pinilit ng pangalawa ng magtapos ng high school.

"Mahirap maghanap ng trabaho na di ka man lang maka graduate ng high school, ang sabi ni Bibi noon sa Kuya Vincent nya.

Ngayong March 24 ay gagraduate na rin ang 20-years old kong gwapong pamangkin na kung tawagin ako ay Mommy.

Habang tinatapos koa ng entry na to ay nag text si Bibi sa akin. Salamat daw ng marami sa binigay ko sa kanyang 500 peso.

May maraming 500 pesos kaya sila ni Mam Yeng na pambayad ng matrikula kung mag koleheyo na si Bibi at Vincent? Abangan sa mga susunod na post.

Friday, March 13, 2009

LCD


What's in me? Why am I feeling so guilty that I bought my long dreamed TV?

Yesterday, I was so aghast to see that an LCD TV is being sold at SR1,499. I have been dying to own one since nine years ago.

Today, I decided no to buy the SR1,499 32 inches LCD TV but go for the SR2,175 Sony Bravia S Series. Expensive for my range. I seldom buy expensive things for myself. The SR1,499 could be my limit but with my friends pushing me to buy the branded LCD TV, I obliged myself but the gguilt feeling is there.

But watching the TV program, I felt good that I finally am watching very clear TV programs in my room.

I will try to think later on how to pay this wonderful machine come April 10, whew!

Wednesday, March 11, 2009

after the storm



more than 70 vehicular traffic accidents, two airports closed for more than five hours in the saudi capital. patients with respiratory ailments crowded hospitals, etc.

so many sotries while my nose is so itchy, huh.

Tuesday, March 10, 2009

delubyo

it was around 11:20 in the morning in riyadh when a veteran employee rushed to our office and ordered us to close all windows. i didn't understand hm at first but his face showed urgency and panic.

i asked my boss on what's the fuss, "there's a twister is coming from the right side of our building," my bossed who was talking on the spoeaker phone with somebody interrupted his call replied to me.

when i looked at the window, this was what i saw.



i was shocked.

i went to another window and....





before the spread of darkness enveloped us, red sand storm was seen between the light dust storm that later blanketed us in a very widespread.




heto pa.



at heto pa...




imagine all of riyadh was plunged into darkness with zero visibility.

the airport was closed.

we were all trapped in our offices for hours with this dust storm blanketing us for hours.

ang kati kati ng ilong ko, mata ko at tenga ko. ang allergy rhinitis ko umatake at di ko pa dala ang gamot ko. huhuhu.






Saturday, March 7, 2009

the week that was

I wanted to blog. However, my thoughts are all too mixed up with my feelings and the things that have been stirring my week.

Later, my work will fill my week but I have to jot down some bits and pieces of what I can recall that made my week.

Tardiness was the issue of the week. My boss have been monitoring mine ang my colleagues arrival in the office following a very poor attendance last month. I had two beyond 15-minutes late in February. That was not good in spite of the fact that I am the least to have tardiness.

Thus the daily monitoring.

Now I have to sleep so that I could wake up in time for the seven o’clock preparation to office.

Aside from tardiness I also committed one big blunder in the payment of the final installment of the annual life and medical insurance premiums. I missed deducting the January Credit Notes from the premium.

After I reported the error, my boss also discovered that he also used a wrong formula in the review of my calculations. We, however, revised it before the company paid the wrong amount.

Before this, a number of shits had hit the pan in our department that caused one head to roll. What a pity.

But there are also good things that are surging to end with happy notes.

Zambo, who I fondly called Daddy, is about to be reunited with his wife and daughter here. His change of profession is about to be completed and he would be entitled to acquire a visa for his family.

The happy daddy is now busy left and right in preparing a new home for his family.

Meanwhile, while we are recomputing the insurance premium, my supervisor, Abdullah called to inform me that he had just talked to my sponsor whom he has pleaded to transfer my sponsorship to one of my company’s agencies.

According to Abdullah, my sponsor promised to issue my release letter as soon as he would receive a declaration that he is cleared of any responsibilities with me.

Apparently, the obstacles of my sponsorship transfer would soon be overcome.

There are other problems though that hit me but these are bearable that could be another theme for next entry.

Life goes on.