Dumating na si rey galling pinas. Halos magkasabay kaming nagbakasyon ni rey last july. Isang oras at kalahati lang ang pagitan ng flight namin. Bago nito, halos magkasabay din kaming nahirapan ni rey na makakuha ng exit re-entry visa dahil di pa kami tapos na malipat sa aming mga sponsor pero nagawan din eto ng paraan kaya kami nakauwi.
Agosto pa ako bumalik dito sa Riyadh pero si rey ay inabot ng disyembre.
Masaya ako kay rey. Matagal tagal din nagkwento si rey tungkol sa bakasyon nya. Inalam ko kung anong nangyari pagdating nya kasi di niya pinaalam sa pamily anya na uuwi sya pagkatapos ng malapit apat na taong paghahanapbuhay dito sa Riyadh.
Tatlong beses na kasing nabulilyaso ang uwi ni rey. Meron pang streamer noon at mga baloon na welcome message ng pamilya nya sa kanya noon pero di natuloy ang kanyang pag uwi kasi nga walang exit re-entry visa. Tatlong beses din nag dispedida noon si rey dito na nauwi lang sa hinagpis.
"takbuhan palabas ng bahay ang dalawa kong binata at laking gulat ko na napakalaki na nila. Mas matangkad na sila sa akin at sa bumbunan ko na sila humalik,” kwento ni rey sa akin.
Titser sa gensan si rey pero mas minabuti nyang magtrabaho sa isang construction firm dito sa Riyadh.
Si rey ang palaging tumutulong sa akin tuwing kailangan ko ng sasakyan sa paglipat ng bahay at kung may aayusin sa aking sasakyan.
Malaki ang utang na loob ko kay rey at kahit wala akong naiabot na pambyad ay sadyang mabait si rey.
‘mabuti at nakauwi ako. Nakita ko at naramdaman ang hirap ng aking pamilya. Talaga nga palang kulang ang $400 na buwanan kong padala. Sa pamasahe, baon ng 2 kong nasa kolehiyo at 2 pang nag aaral, labada, kuryente at pagkain ay talaga nga palang kapos,” kwento ni rey.
Nakita ako yung double bed ng 2 kong binata na ang taas ay halos dikit na sa yero. Mainit.
Bumili noon ng 3 plywood ang misis ko at pinako na lang diretso sa kahoy na pinagpakoan ng yero sa may sala. Doon naglalagi ang aking buong pamilya dahil medyo lumamig sa p laywood na kisame.
Walang sinayang na araw si rey. Bumili sya agad ng mga kahoy at plywood. Sya na mismo ang gumawa ng kisame sa bahay nya. Ang 2 karto ay di nya lang nilagyan ng kisame kundi nag double walling na rin sya sa mga kwarto. Pinasok na nya ang mga kuryente na dati ay naka staple lang. binili nya na rin ng tig iisang walling fan na nilagay nya sa double bed ng kanyang mga anak.
“masaya. Katulong ko ang mga anak ko sa pagayos ng bahay naming. Pati yung bunso ay mag paint roller din sya at tumulong sa pagpintura. May mga cabinets na rin akong ginawa para sa mga anak ko kaya gumanda na ang loob ng bahay,” ang kwento ni rey.
Gwapo ang mga anak ni rey, si boboy at si junjun. at kasama palagi sa pagsimba bawat linggo ng buong pamilya.
Si junjun ay SK scholar samantalang si boboy ay mahilig sa basketball. Pareho silang civil engineering ang kurso.
Binili rin ni rey ng motorbike ang kanyang mga anak upang maghatid sa kanyang mga kapatid sa eskwela.
ngayong andito na si rey, balik hanap na naman sya ng pera sa trabaho at pilit humataw upang may maipadala sa pagdating ng pasko.
Tocino + Sinangag + Itlog = ToSiLog
3 years ago
1 comment:
Paano maglagay ng twitter sa blog:
1. Mag-online sa blogspot.
2. Pagdating mo sa dashboard, i-click ang layout. Hehehe.
3. Sa layout. I click ang "Add a gadget"
4. Makikita sa pagpipilian ang HtML/Javascript. I-click ito.
5. Buksan ang twitter (twitter.com) at maglog-in.
6. I click ang settings (tab)
7. Tingan sa bandang gitna ang box na More Info URL I click ang (You can also add twitter to your site here)
8. Sa display twitter to your webpage, piliin ang blogger.
9. I-click ang Grab the Code I-copy paste ang code sa iyong Configure HTML/Java-Script window na matatagpuan sa iyong taskbar.
10. I save ang code.
11. I save ang layout.
12. Nasa blog mo na ang iyong twitter.
Post a Comment