Monday, June 25, 2007

headless

may kwento ako na ayokong lagyan ng pamagat. tungkol kasi ito sa isang lalaking una'y nabasa ko lang sa dating pahayagan na pinagsusulatan ko. ang saya ko noon kasi wala yata akong report noon tapos halos pinuno ng balita tungkol sa lalaking ito ang mga pahina sa harap. nakulong si oepdabulyu. paano nga naman, pagkatapos nya kamong mapatay ang taxi driver ay nakipaghabulan ito sa mga otoridad. ika niya, ng madalaw ko sya sa kulungan sa malaz ay depensa lang talaga ang nangyari. paano naman kasi, gusto raw syang halayin ng taxi driver pagkatapos syang paikot ikotin bago sya makarating sa kanyang mga pinagpupuntahan. kaso ng umalma sya at ayaw nyang makipaghalayan sa driver, nagka heated argument na at nagka pisikalan pa. kumuha sya ng matulis sa dala-dala nyang bag at nagkasaksakan na. kesyo, may nakakita na bumagsak na ang drver ng patalilis na sya. nagkahabulan na ngayon. takbo na parang may world tournament sa takbuhan. takbo pagkatapos itaktak. kung saan-saan kaya umabot, merong nang agaw sya ng sasakyan sa gitna ng daan. binangga nya pa yata yung isang sakyanan ng maabutan sya sa traffic light. tapos takbuhan na may lundagan pa sa mga hood ng sakyanan at may akyatan pa sa pader ng pumasok sya sa isang villa.kung ilan-ilang blocks ang naabut sa takbuhan na humantong sa kulungan na may stop over sa hospital kasi binaril na sya ng sumuko. pinugutan sya ng ulo kamakailan.kaya walang ulo itong kwento.

No comments: