Wednesday, January 27, 2010

blag

Hate na hate ko ang magkasipon. Eto na yata ang pinakaayaw ko sa mga sakit ko. Nakakairita. May allergy kasi ako na rhinitis kaya parang tubig pag tumulo ang sipon ko. Kainis.

Andami pang work sa office. Ang walang katapusang monthly statistical reports ng company, payroll, medical insurance claims at data cleansing campaign, liban sa regular daily work routine on employment recruitment at visa processing.

Andami ko ring personal na bagay na dapat gawin. Isa na rito ang pag samsam ng krismas tri na matagal na dapat natago sa storage room. May mga ipabagahe pa akong mga lighting fixtures para sa bahay ko sa Davao. Di pa rin naempake.

Di ko pa nabili yung bagong laptop para makapagpahinga na ang 10-year old kong Vaio. Ang bigay sa aking Black Berry ay di ko pa rin napapagana. I need to get it configured with a new SIM chip.

I really need help pero wala namang may ganang tumulong sa akin. Lumalapit na lang yata sila kung may problema sa pera. Ano ba naman yan. Di naman ako si Money Villar.

Buti na lang bumabalik na ang mga favorite kong Bloggers gaya ni Bernadette, Batchoi Boy, Mandaya, Spoolarist, Jericho at Rey. Thanks sa walang absent na blog ni Soul Jacker at ni Fuschiaboy DP of Siem R.

Nakakaenganyo tuloy na magsulat muli. Pero dapat bili na rin ako ng matagal ko ng planong bagong digital cam.

Kelan kaya ako magkakapera?

3 comments:

Galen said...

Salamat at nabanggit mo ako dito mommy. Hindi ako mawawala sa blogspace. Sa dami kong kadramahan, kelangan ko ng place para mag vent out.

Sana mabili mo na yung digicam mo para may pagkakaabalahan ka diyan.

Ingat ka lagi!!

Bryan Anthony said...

right...

ikotoki said...

Sulat ng sulat. May mga bumabasa sayo ;p