Wednesday, June 17, 2009

Why did you join this contest?

Maloka-loka na ako sa mga tanong mula kahapon at ngayon about the 72 or 71 or 69 Filipinos na dinakip sa Riyadh noong Sabado.

Siguro dahil dati akong pobrisitang peryodista noon sa isang English newspaper noon dito sa Riyadh.

Una, isang pinuno ng Migrante ang tumawag sa akin. Binaba ko agad ang tawag after telling him that I would call him back. One phone call in the market and I confirmed the news. 71 Pinoys, kadalasan bading ang inaresto ng mga religious police.

Ayon sa aking source, birthday daw ang isang Pinoy. Nagpaparty. Nag-imbita ng mga firends kasama anga kanya kanyang friends sa isang esterhaha.

Kung okray ka, pwede mong isiping nagpasiklab si birthday celebrator? Siguro, isip nya, mayaman na sya kaya nagmayabang at nag-imbita ng mga kaibigan kahit alam na alam na delikado.

Nag-imbita pa ng ibang lahi at (sana mali ang aking source) nagdala pa raw ng inumin na nakakalasing.

Kung pa intelektwal naman ang pag-iisip mo, pwede mong isipin na dahil kasi sa kultura ng Pinoy. Kinagigisnan na ang mag celebrate ng birthday. Pakain sa mga utaw, kahit bukas o sa makakalawa ay wala ng budget sa pagkain. Para lang ba masabi na mataas na ang tayog nya sa ekonomiya at pwedena syang maging Hostisya de San Jose. Kasi nga di naman nakapagpabongga noong dating purisa pa si Pinoy.

Kung maka-migrante ka naman, pwedeng sabihing dahil nalulungkot sa araw ng kanilang birthday ay nag decide na magdaos ng pampasaya para mawala ang homesickness ng OFW.

Kung baga, part of social life na iwaglit ang kalungkutan na mapawalay sa piling ng pamilya dahil nga ang objective ng pagiging overseas worker ay para mairaos sa kahirapana ng pamilya dahil wala namang desenteng trabaho sa Pilipinas.

Kadalasan talaga, kapag marami ang dadalo, esteraha ang gawing venue dito sa Kaharian. Di kasi uubra ang hotel kasi masyadong istrikto sa mga requirements at syempre, di makapag paraos ang mga makakati pa sa gabi.

Ang Esterahah ay isang resort na pinapaprentahan sa Riyadh nga mahigit isang daang dolyar hanggang 500 daang dolyar, depende sa laki. Kadalasan meron itong swimming pool, palaruan gay ang volleyball court, football court, malaking receiving hall na pwedeng mapag dausan ng isang malaking pagtitipon.

Nilubos lubos ang pagtitipon, nag pageant. MG as in Miss Gay. Yun bang ginagawa sa Pilipinas kung may pyesta na meron rarampa at question and answer at talent portion.

Ayun. Unang signos, may mga military daw na kumatok, tiningnan ang paligid dahil nagtaka sa ingay na naririnig s alugar. Di naman natinag ang grupo. Umalis ang mga otoridad sa pinagdausan.

Pero naging mas maingay ang grupo. Dumating na hindi nila namalayan ang mas conservatibong mga religious police. Inakyat ang bakod. Pasok.

Yun na ang kwento.

Iniimagine ko na lang ang mga otoridad sa kanilang tanong.

“Why did you join this contest?”


Well, ang latest news kahapon, nakalabas na daw ang iba sa mga nakulong dahil pinuntahan ngkanilang mga companya at sponsor.

Ang sabi naman sa news na tinawagan ang Philippine embassy ay napakawalan na daw lahat pero naka blacklist na daw ang 69 na Pinoy na hinuli.

I am sure, may mga kaso na ito sila lahat na nakasampa at siguradong di mapapauwi ang mga ito na di maaring di dumaan sa kulungan at mapalo.

I am sure, gustong gusto ng mga bading na mag perform ng kani kanilang talent sa loob ng kulungan.

Pwede kaya yun?

Ang init pa naman ngayon sa Riyadh. Am sure super hot din at amoy pawis ang mga kakosa nila doon.

Buti na lang nasa labas na sila, pero paano kung tawagin na sila at ikarsel na during their jail term. Bihira pa naman nakakaligtas sa mga kasong ganito.

Noon, meron nangyaring ganito sa Qatiff. Yung isang bading lumusot sa butas ng window type na air-con at yung isa, nagkasyang tumakas sa loon ng maliit na imburnal na concrete pipe. Whew.

Meron ding nangyaring ganito noons sa Holiday Inn na birthday party. Nag gown ang mga bading. Julie andrew at Julie Yad Daza rin sila.

Ayon sa siang balita kanina, ang sabi kasi ng taga embassy, freed na raw ang mga Pinoy at take note, wala raw ni isa ang humingi ng tulong sa Philippine embassy.

Tinatanong pa ba yan kung bakit?

2 comments:

Mugen said...

Sa ganyang issue, papanigan ko ang mga arabo. Kultura nila iyon, norms nila yun. Tayo'y mga bisitang trabahador lamang. Gaya nga ng kultura natin, makiayon tayo sa may-ari ng bahay.

blagadag said...

kerek. ewan ko ba kasi bakit may mga matitigas ang ulo na mga kababayan. sa insidenteng ito, mali na naman ang nagsabi na d filipinos are worth dying for. whew!