si ronron ay kapatid ni rey. Isa syang juice-maker sa isang Lebanese resto dito sa Riyadh na nasa unang palapag ng building kung saan ako dating nagtatrabaho pilang isang news reporter ng isang English newspaper sa Saudi Arabia
Si rey ang kontratista noong ginagawa pa lang ang resto. Nakilala ni rey ang may ari at napakiusapan nya na kunin bilang isang crew sa resto si ronron.
Nakailang taon na rin si ronron sa trabaho nya sa resto at kahit nag-umpisa sa maliit na sahod ay nakapagpapatayo na si ronron ng kanyang sariling bahay sa isang 600 square meter na lupa na nabili nya sa gensan.
Noong martes ay umuwi si ronron upang maranasan nya ang magpasko sa pilipinas. Dumaan sya sa Davao upang ihatid ang padala kong 3 celfun, isang converse na sapatos, pantalon, t-shirt, usb flash drive, at relo para sa mga mahal ko sa buhay.
Kinabukasan ay tumuloy na si ronron sa gensan upang sorpresahin ang kanyang mga magulang, mga kapatid at mga pamangkin.
Ang pagkaalam ko, sa lingo dapat ang welcome party ni ronron. Isang malaking baboy ang nakahandang katayin.
Ngunit byernes ng umaga nakatanggap ako ng txt message kay ronron.
“wat a life. Abi nimu hadlok kaau. Giatake si papa, unya nabusdak iya ulo sa floor daghan kaau dugo ako gihatod sa doctor amo giadmit . hay,” (what a life. Alam mo, inatake si papa. Napalo ang ulo nya sa sahig. Andaming dugo. Hinatid ko sa doctor. Pinaadmit naming. Hay.)
Tinawagan ko si ronron.
“kahuhubad ko lang ng damit kasi galling nga ako sa byahe. Nagbubukas na sila ng beer. Si papa ay nakaupo sa sofa pero nakita kong nakayuko. Mayamaya, nahulog na sa kinaupuan at napalo ang ulo sa sahig,” kwento ni ronron.
“Nakarating akong hospital na walang damit at puro dugo ang katawan ko,” sabi ni ronron.
Kanina, sabi ni ronron, ubos na ang budget nya na pampasko.
Mahigit 20 mil na ang hospital bill ni ronron. Medyo ok na naman si papa nya at planong ilabas na ni ronron sa hospital.
Ang sabi ko na lang kay ronron, hayaan na lang nyang dumaan ang pasko na di magarbo.
“kaya nga si Jesus pinaganak sa sabsaban kasi wala silang pera at bahay na mapanganakan ni Maria,” ang tangi kong nasambit sa kaibigan ko.
Ewan ko kung nakapawi yun sa nakikita kong hinagpis sa mukha ni ronron.
Tocino + Sinangag + Itlog = ToSiLog
3 years ago