Showing posts with label migrants. Show all posts
Showing posts with label migrants. Show all posts

Wednesday, July 29, 2009

laruan

Naduduwal ako. Nagsusuka ako ng hangin. Eto palagi ang nangyayari sa akin kapag nate-tense ako. Paano naman kasi, muntik ko na kasing di mapigilan ang tukso.

Nasa rooftop ako para samahan si Zambo na ayusin ang bagong antena na binili namin upang marelay yung internet signal ko sa apartment ni Zambo na may 3 kilometro ang layo sa pad ko.

Di ko namalayan na habang minamasdan ko si Zambo sa itaas ng penthouse ay sumunod pala sa akin ang isang ruggedly handsome na kapitbahay ko.

Namalayan ko na lang na may kumikiskis sa may bandang pigi ko. Una sa kaliwa at nang gumalaw ako ay sa kanan naman. Nang lingunin ko ay wala syang katakot-takot na tumitig sa akin. Maya maya pa ay binuksan nya ang kanyang zipper at nilabas ang napakalaki at medyo maitim na ari.

Nagpupumiglas ako ng hawakan nya ang braso ko at pilit nilapit sa titi nya ang kamay ko. Pero sa kinalaunan ay naingganyo akong hawakan.

Eto yung tipo ng titi na kung mahulog ka sa bangin at nahawakan mo ito ay sigurado akong ligtas ako dahil sa tigas at laki ng mga ugat.

Pero pumasok sa aking isipan ang baklang Pinoy na hinuli last week dahil nahuling nakipaghimuran sa isang katutubo sa kanyang tindahang binabantayan na isang bloke lang ang layo sa apartment ko.

Bigla akong natauhan at dali-dali kong binitawan ang aking hinahawakan dahil sa aking naisip na baka mahulog nga ako sa bangin ng tukso.

Dali dali akong umikot at tinungo ang pintuang bakal palabas at pababa ng roof deck.

Hinabol ako ng lalaki at mabuti na lang at pababa na rin si Zambo. Nagulat sya ng bumalikwas ako bigla sa muling paghawak ng lalaki sa braso ko.

Una ay medyo nag-aalala si Zambo sa akin ngunit na mapagwari nya ang pangyayari ay medyo napangiti sya na natuwa sa aking naging karanasan.

Alam kasi ni Zambo na isang taon na ako ngayong tigang mula ng umuwi ako sa Pilipinas at nakilala ang aking bagong kasintahan.

Walong oras na ang nakaraan ngunit muli na naman akong nagduduwal ng maalala ko na naman ang nangyari.

Di mailingid sa bakla kong isipan na nanghihinayang akong di napiga ang katas ng napakalaking laruang mainit-init.

Haiz.

Thursday, January 29, 2009

migranteng pinoy

i received this forwarded email from an ofw based in jeddah. ewan ko bakit nya pinadala sa akin pero dahil wala akong magandang nasulat, i post ko na lang to. medyo may relevance naman kasi. at para may visual effect, naghukay ako ng photo ng mga pinoy na naghihintay ng kanilang passport sa dfa davao.



Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.

Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.

Wednesday, September 24, 2008

senyur sitisin, beer, birtdi, ofw, atbp.



After a month of working in Riyadh following my 30-day vacation in Dabaw, I wished I could go home again. But the sky-rocketing prices of the air ticket, which has more than doubled in less than a year is blocking all my hopes. I miss my bebe so much.

The thoughts of having a 10-day vacation and unable to go home is leaving me helpless if not driving me nuts.

I could only reminisce the days of my vacation. Below is a vacation article I wrote after the Bilyar story.

Senior Citizen kung silang tinuringan.

Umaga pa ay tulong-tulong na ang mga “tiguwang” sa sityo, San Roque, Baranggay Daliao sa pag aayos ng stage.

Sila kasi ang unang toka sa gabi-gabing kasiyahan na inihanda ng buong sityo isang lingo bago ang pista ng San Roque.

Habang tumutulong kay Mundoy ang mga kaibigan kong si Jhongjhong at Joel sa pagkabit ng mga ilaw ay nakapanayam ko si Mother Aster sa tahanan nina Peter Lloyd, isang visual merchandiser sa Riyadh.

Si Aster, Mader, kung tawagin namin sa Baranggay Daliao, ay tanyag na aktibo sa Women’s group at sa OFW Families Group kung saan siya ay ilang beses ng nahirang na presidente. Baangay Kagawad din si Mader at kung tama ang alala ko, una ko siyang nakilala ng panahonng eleksyon mahigit isang dekada na ang nakaran.

Nagklik agad kami ni Mader matapos syang magpakilala at sabihing 3 sa naka niya ay migrante at nasa Japan.

Bilang OFW, feeling ko mother ko na rin si Aster.

Nang maghuntahan kami, sinabi ni Mader na dapat may second-liner na rin sa Baranggay naming na papalit sa kanya.

Turn-over ceremonies na ang nakikita ni Mader. Ang bulungan nga ay dapat sa susunod na eleksyon ay iba na naman sana ang mahalal. “Si Mundoy ang ihirang natin sa susunod,” sabi ni Inay, nanay ni Peter Lloyd.

“Di na ako masyado nag active sa OWWA, Gar,” pahayag ni Mother Aster, na huli kong nakasama ay Migrante Partylist Orientation noon ng OFW Groups ng buong Davao City na dinaluhan ni Papa Roy at Papa John.

Parang nawalan lang daw ng gana si Mother at nabanggit nya ang pagka destino ni Mrs Zenobia Caro na dating OWWA Regional Administrator sa Dabaw at ngayon at Labor Welfare officer na yata sa Israel.

“Last Migrant’s Day, OWWA asked me to mobilize 100 OFW families pero 60 lang ang nadala ko. Libre pamasahe at pack lunch ang celeberation sa gym ng University of Mindanao.

Ang ibang grupo pala ay binigyan ng 30,000 at may 60,000 pesos na ibinigay sa mga lideres upang magdala ng mga tao. Yun pala, wala pang 2 OFW members ang dumalo sa mga dinala ng iba,” sumbong sa akin ni Mother Aster.

Kailangan ko makapanayam ang OWWA tungkol sa alegasyong ito pero alam kong hahanapan lang nila ako ng testiomonya sa binigkas ni Mother Aster.

“Eh ano ba naman yung sumbong,” sambit ko sa sarili.

Pera.

Pero teka lang. Pera yata ng OFWs yung ginastos at ang sabi ni Mother Aster ay pinamigay ng OWWA official sa mga di OFWs para dumalo sa Migrants Day celebration.

Nyeta! Eh, kung ang mga stranded sa Riyadh ay di nila mabigyan ng libreng tiket pauwi, eh pinamimigay na pamasahe lang pala ng mga di OFWs at kahon kahon pang packed lunch ang inuwi upang mag party. Nyeta talaga.

Bago pa umakyat ang blood pressure ko ay minabuti ko ng paunlakan ang alok ni Inay na magkape . Iniwan ko si Joel at Jhong ay tumulong sa pag ayos ng entablado sa San Roque.

Kinagabihan ay nag umpisa na ang palatuntunan na pinasinayahan ni dating Barangay Kapitan Boy Sucayre na member din ng Senior Citizen. Nakakatuwang nakakabagot na abangan ang kanta ng isang mang-aawit na kay tagal mag umpisang kumanta. Siguro dahil sa katanadaan ay mahina ng lumakad at ang labo na ng kanilang mga mata na mabasa ang pamagat ng kanilang kakantahing videoke.

Umalingawngaw ang boses ng matandang babaeng kumanta ng Paper Roses.

Bago matapos ang kanta ay may text messages na natanggap si Mundoy.

“Galing kay Emil,” sabi ng best friend ko na kasama ko sa bahay. Si Emil ay isang dating entertainer o cultural worker sa Japan na kaibigan ng kapatid ko.

Dati, nadalaw ako sa bahay ni Emil minsang nagbakasyon sya galling Japan. Pinagmalaki nya ang kanyang mga larawang kuha sa kanyang mga sayaw sa isang bar sa ibat ibang panig ng bansang Hapon.

Ngunit ng hinagupit ng paghihigpit ng bansang Hapon ang pagtrabaho ng mga mananayaw at ibat ibang klaseng entertainers ang Japan ay din a nakabalik sa kanyang trabaho bilang migranteng manggagawa si Emil.

Ngayon ay namamasukan sya sa parlor ni Enteng na dati ring nagtrabaho sa Iraq sa kanyang parlor.

Pinilit ko si Mundoy na pumunta kami sa Haidees, isang local videoke bar na pinagdausan ng birthday ni Emil.

Sakay agad kami sa trisikad habang nagsasayaw naman ang isang grupo ng mga lola. Dancing with the Lolas ang drama.

Alam na mga ng taga San Roque na ang minindal sa tuwing matapos ang padasal sa kapilya ay sponsor na ni Emil dahil palagi itong natataon sa kapistahan ng San Roque. Kaya sa Haidees ay inuman na lang ang maaasahan.

Inabutan ko na agad si Emil ng pandagdag sa kanyang party budget at bago ako malasing ay isang buttered chcken at limang platitong mani ang na order ko dahil sa napakaraming beer ar puro beer na lang ang sahog sa mga kantang pumupulandit sa isang gabing binuhusan ng malakas na ulan.

Kanta, beer, chat. Txt at chika sa mga nagsisidatingang panauhin. Naalala ko tuloy si Edwin Luis na mahigit din sampong taon na pabalik-balik sa Japan

Sa last chat naming ng kumustahin ko si Edwin, “Eto, nakanganga. Din a ako nakalabas uli,” ang malungkot na sabi ni Edwin.

Kung bakit kasi may nagpanukala pa na yung mga nakaapak lang ng dalawang taon sa kolehiyo ang pwedeng maging entertainer o cultural worker sa Japan. Wala naming maibigay na magndang hanapbuhay sa Pilipinas ang nagpapatupad ng polisyang yun.
Di ko tuloy malaman kung sino ang mangmang sa sinasabi ng pamahalaan.

Pauwi na kami ni Mundoy ay tinirik ng binahang kalsada ang aming sinakyang tricycle.

Kagaya ng trabaho ni Emil sa Japan na biglang natigil, napanalangin ako na sana’y umandar uli ang tricycle sa gitna ng ulan at baha at sana’s makatrabaho uli si Emil sa Japan.

Sa OWWA, sana’y magising kayo sa mga bagyo ng buhay na dinadanas ng mga OFWs bago pa kami sumabay sa galit ng malakas na ulan at kidlat na may kasamang pag-aaklas ng panahon.