Sya si Melba Villaluz, 34 years old. Dumating sya sa Riyadh noong March 31, 2009 para pumasok sa isang kompanya ng Anasban.
Isang notoryus na kompanya ang Anasban mahigit dekada na ang nakaraan at kilalang kilala na ito ng mga opisyal ng Philippine embassy na maraming reklamo galling sa mga mangagagawa nito. Ang mga reklamo ay di na bago, delayed salary payment, delayed vacation, delayed repatriation, mahilig mag bawas ng sahod.
Pero medyo kakaiba ang reklamo ni Melba. Dalawang lingo lang syang nakapatrabaho dahil mula ng dumating sa Riyadh ay nagka infection ang dating inoperahan sa kanyang gall bladder, nagkaroon ng kidney ailment at meron pang hypertension.
Noon Huwebes, June 25, inatake at nag collapse si Melba. Matagal bago nadal sa clinic. Umbaot sa 180 over 130 ang kanyang blood pressure. Niresetahan sya ng Angiotec na 10 mg, Natrilix SR na 1.5 milligrams at kanina lang sya nakainom ng mga gamut na nireseta, apat na araw ang nakalipas dahil kanina lang nabilihan ng gamot ng Anasban.
Gusto ng umuwi ni Melba sa Pilipinas. Nagpaalam na sya sa kanyang agency na nagdeploy sa kanya, ang Global Job Search In na makikita sa Bangkal Street, Makati. Si Lowela na makokontak sa 02-8453045 ang kanyang contact sa Global Job Search.
Pero ayon sa Global Job Search, kailangan daw ni Melba na bayaran ang ginastos ng Anasban na SR7500 para marecruit si Melba sa Riyadh. Ayon kay Melba, kasama na sa SR7,500 ang tiket ni Melba Villaluz pauwi.
Ang kwento ni Melba, payo sa kanya ng Global Job Search na maghati si Melba at ang clinic na nag kuha ng medical test nya, ang LR Clinic.
“Willing naman na maghati si Melba at ang clinic kung makihati rin daw sa gastos ang Global Job Search.
Paano ba nabato sa akin ang kaso ni Melba?
Si Willy Villaluz ay biglang sumulpot sa aking Yahoo Messenger noong HUwebes. Ayun kay Willy, nakuha raw nya sa Moderator ng POEA Forum sa Palawan ang aking email address. Parang ayokong maniwala kasi, kahit matagal na akong gusting pumunta ng Palawan ay wala kong kakilala doon.
Freedom daw ang nickname ng nag refer sa akin.
Ayon, parang nakokonsensya naman ako na ayaw kunin ang mga pangunahing datos. Nakuha ko ang cellphone number ni Melba at kanina nga, pagkatapos umuwi nga king amo ay tinawagan ko ang numero.
Nakausap ko si Melba.
Gusto gusto na ni Melba na mahilig magsabi ng “as in” na umuwi. Snaa raw ay matulungan sya na mapadali ang pag-uwi.
Ang napayo ko lang kanina kay Melba ay wag mag apura at baka mas lalong tumaas ang presyon nya.
Tinanong ko sya kung payag syang kalampagin ng Migrante Internatonal ang kanyan agency at Clinic na kumilos sa dagliang pag-uwi ni Melba upang itulak ang POEA at OWWA na mapauwi sya.
“Dapat nga rin po pati ang City Peso or Palawan Peso ay tumulong din kasi sila naman po ang nag rekruta sa akin. Si Ailyn Amurao daw ng City Peso ng Palawan ang nagpasa sa kanya sa Global Job Search Inc.
Pero ayun kay Willy na kapatid ni Melba, Nagsulat na raw an POEA at OWWA sa Philippine embassy ng Riyadh pero wala raw reply.
Parang dumarami ang natutulog na kaso sa harap ni Labor Attache Rustico dela Fuente. At sino nga ba yung taga DFA na nakiusap na idulog sa DFA ang mga kaso ng mga problema ng OFWs. Buhay pa ba sila o nahahawaan ng H1N1. Ewan.
Tocino + Sinangag + Itlog = ToSiLog
3 years ago