Nag camp out ang mga repatriated caregivers galling Riyadh sa OWWA upang iprotesta ang kanilang sinapit sa kamay ng kanilang mga recruiters at employers ngunit pati OWWA na imbes ibsan ang kanilang paghihirap ay nais tumalikod sa kanilang mga tungkulin na parang bang hindi pera ang mga OFWs ang kanilang ikininabubuhay.
Sabi ni Carmelita Dizon, the protestors “are barking at the wrong tree.” Dapat daw sa POEA sila manghingi ng tulong at bayad or reimbursement sa tiket na kanilang pinang-uwi.
Natensyon ako ng mag tweet ang mga members ng press na may bombero ng dumating at mga anti-riot na umaaligid sa OWWA bulidning pagkatapos lunurin ng malakas ng disco music ang mga boses ng mga nagpoprotesta.
Pero sumuko rin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga nagprotesta at binigay ang mga hinihingi ng inabusong mga OFWs mula Riyadh, na nagsagawa ng tatlong-araw na kampo sa harap ng ahensiya para igiit ang tulong-pinansiyal na umano’y nararapat sa kanila.
Hinarangan ng mga kababaihang OFW mula sa Annasaban Group of Companies ang mga pintuan ng OWWA at hindi umalis doon hangga’t hindi hinaharap ng OWWA administrator.
Pagkatapos ng mahabang negosasyon na nagtapos bandang alas-otso ng gabi, ibinigay sa 43 pinauwing manggagawa ang P10,000 financial assistance; P20,000 na burial assistance sa namatay nilang kasamahang si Elsie Pelayo, libreng medical check-up; at pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsya.
Pero kaninang umaga, may tumawag sa akin, si Melba, isang taga-Palawan ng nakauwi na rin. Dati syang nag trabaho sa Annasban at humingi ng tulong na mapauwi noon dahil nagkasakit sya ng hypertension dahil sa trabaho nilang walang pahinga at walang libreng medical insurance na dapat ay mandatory sa lahat ng mga OFWs sa Riyadh.
Ayaw bayaran ng recruiter ni Melba ang kanyang pamasahe kaya ang kapatid nyang nasa Pilipinas na nakipag chat sa akin noon ang nagpadala ng pera dahil ang Labor Office sa Philippine embassy ay wala ring magawa na mapauwi ng mabilis si Melba.
Nanghihingi ng report sa akin si Melba, na hindi nakasali sa protesta dahils sa karamdaman nya, upang makahingi rin daw sya ng mga nataggap ng mga nag protesta kahapon sa OWWA.
Pag-uusapan pa raw ng OWWA kung dapat bang bigyan ng benepisyo si Melba pagkatapos ng ilang buwan nyang paghihintay na makauwi habang wala syang sahod na natataggap mula sa kompanya.
Bakit sa akin manghingi ng report?
Parang gusto kong sumugod sa OWWA at ipamukha sa kanila ang klase ng serbisyong ibinibigay nila.
Okray talaga.
Tocino + Sinangag + Itlog = ToSiLog
3 years ago
1 comment:
Hirap talaga ng buhay OFW.
Post a Comment