Matagal ko nang alam na akoy makakalimutin. Nakakahiya nga lalo na kung may isang matagal ng kakilala na di ko matandaan ang kanyang pangalan.
Ilang beses na rin kasing may bumati sa akin at di ko maalala ang kanilang pangalan at kung minsan ay pati kanilang mukha.
Ilang taon na ang nakaraan ng pumasok ako sa embahada ng Pilipinas ditto sa Riyadh upang may interview-hin na opisyal ng pasuguan. Sa guardhouse ay may bumati. Sa embassy kasi ay hindi Pinoy ang guardya. Pero sa loob ng guardhouse ay may bumati sa akin.
Taga-Davao pala sya at ng napansin nyang di ko sya maalala at sinabi nya sa Bisaya, “Ganyan ka pala. Hindi mo na ako maalala pagkatapos ng lahat.”
Nakakahiya na di ko na maalala na minsan na pala kaming magkatabing natulog sa kama ko ng hubot hubad. Sya ang una’t huling lalaking nakita kong di nagsusuot ng briefs habang naka jeans. Masarap naman syang magtrabaho sa kama, pero ewan kung bakit di ko maalala ang name nya hanggang ngayon. Basta ang alam ko, kapatid sya ni Benjie.
Noong isang gabi, madaling araw na sa Kabacan, North Cotabato, may naka chat akong kaibigan. Actually, ang sister-in-law nya ay best friend ko, at nang makita ko na online sya sa Facebook ay binulaga ko ang best friend ko. Pero si Jick-jack pala ang naglalaro ng Farmville. Di raw sya makatulog kaya sya ang naghaharvest sa farm ng bestfriend ko.
Habang nagchachat kami, nabanggit ni Jick-jack na di nya malimutan ang isang insidente sa SM ilang taon na ang nakalipas.
Nadukotan pala noon si Jick-jack habang nag mo malling sila kasama nya ang panganay na anak ng aking best friend, si Pidirt.
Noong nasa elementary days pa, si Pidirt ay cute na talaga. Kayumangging bata na talaga sya noon pa. Matalino si Pidirt at marami syang mga kaibigan. Di ko sya nakikita agad kapag panahon na ng kainan dahil nasa labas pa naglalaro. Pero pag dumating na sya ay diretso syang naghuhugas ng kamay bago kumain. Bibo at marunong sumagot si Pidirt at nakikita ko na noon pa na ayaw nyang magpatalo sa isang diskusyon. Kaya nakikita kona noon pa na magiging mahusay ang buhay nya. Kahit astig siya, marunong si Pidirt tumawag ng tulong at magtanong kung di niya kaya.
Ang paghingi ng tulong upang ikabit ang kulambo upang di makagat ng lamok ang kanyang mga natutulog na kapatid ay di isa sa mga di ko malimutan kay Pidirt.
Naalala ko ito ng ipaalala ni Jick-jack na noong nadukotan sya ng pitaka sa loob ng SM, nakita at nakilala ako ni Pidirt.
Kitang kita ko ngayon ang isang nag aalalang mukha ni Pidirt na nagpapaliwanag sa sitwasyon nasadlakan niya kasama ang tita Jick-jack nya.
“Tito, wala po kaming pamasahe. Di kami makauwi kasi nadukot lahat ng pera ni Tita,” ang maalala ko na sabi nya sa akin.
Sabi ni Jick-Jack kagabi, binigyan ko raw sila ng pamasahe at pang merienda.
Di ko talaga maalala kung di nabanggit ni Jick-jack ang pangyayaring ito pero medyo naalala kona si Pidirt.
Nagbakasyon si Pidirt last December at January sa Kabacan from London kung saan sya nag ta trabaho ngayon kasama ang kanya asawa at dalawang anak.
Sabi ni Jick-jack, napagkwentohan daw nila ni Pidirt yung pangyayari ng tsansang nakita ako ni Pidirt sa SM pagkatapos nilang mawalan ng pera.
Jick-jack was a dental student noon. The first time I saw her was when she arrived for a summer vacation from Quezon City and Davao in Kabacan.
Few minutes after she arrived, she volunteered to do the laundry that day, a household chore that was so tasking it extended for two more days to complete. Of course, in an extended family of more than 10 including 5 children, di ko na rin matandaan kung ilang baretang sabon ang naubos ni Jick-jack noon.
Tocino + Sinangag + Itlog = ToSiLog
3 years ago
4 comments:
Naku Mommy. Normal lang ang nagiging makakalimutin. Ako rin, simula nung tumuntong ako ng 28, nagsimula na akong maging makakalimutin sa mga bagay bagay. Hehehe
hi.i came across your blog habang binabasa ko yung blog ni mandaya...im not gay, though i feel sometimes that i am, i am what they call na babaeng bakla...i have lots of gay friends and girlfriends na parehas ko ding babaeng bakla...im sure you know what i mean..i just felt like i needed to say that background info about myself..anyways, i just have a question that has been bothering me for quite sometime now. i have a boyfriend and he works in jeddah. matagal na rin kami, almost a year na, we met through the net, and when we were on our 6th month tamang tama na nagkasabay ang vacation namin sa pinas at dun pa lang kami nagkita for the first time.we felt the spark,on and off the bed, and so he went back there sa KSA and i went back here sa UAE na kami pa rin, still looking forward to the day na magkasama kami.my trouble is this, kahit ba talaga sabihin pang nasa Saudi Arabia kayo, kung saan batas ng relihiyon nila ang pinaiiral, madali pa rin ang makakuha ng ka-relasyon? im asking this to you because, at any rate i think mejo mas mahirap para sa same gender ang maghanap ng partner sa isang bansang sobrang higpit hindi ba. it sort of seems taboo kung tutuusin. what more yung relasyong babae at lalake pa? i picture KSA na 100% hiwalay ang babae sa lalake....but then i still see pictures from people i know na magkakasama sila, even at public places like the beach. i trust my bf...maybe i just dont trust his libido ;-P i know that while he loves me, meron pa rin shang mga urges na mararamdaman..and that breaks my heart pag iniisip ko...i hope you can give me a first hand info. i'd appreciate it. thanks...
@Galen. ayan, dinagdagan mo na naman ang compatibilities natin. char. sana di mo ko makalimutan.
@hotchik ayoko sanang makialam sa buhay mo per naeenganyo talaga akong mag react.
kahit di kagandahan o kahit anong kasarian, may paraan kahit saan ang mga malilibog na magsabog ng kaligayahan. kahit sa likod ng aparador, refrigerator sa lababo o sa ilalim ng krismas tree sa loob ng bahay o sa lawak ng disyerto ay pwedeng kumarengkeng si petrang kabayo. gets mo?
kung mahal mo sya kahit wala kang tiwala sa libog o libido o laway nya, kahit sino ay talagang magdurusa sa buhay kadudaduda lalo pa ng long distance affair yan.
isipin mo na lang na at least, natikman mo sya at napaligaya ka nya. para sa akin, ok na yon.
pero kung maghahangad ka ng sarap for life pero wala ka tiwala, timbangin mo kung ano ang kaya mo.
para sa akin, di ko ibubuhos lahat ng oras, pera at pagmamahal sa kanya. uunahin kong protektahan at mahalin ang sarili ko.
moreover, when he is with you, enjoy ka lang. ika nga nila, make the most of it.
ako, sa jeddah actually ako unang dumapo, 2 decades ago. wala pang 36 hours ako noon sa kaharian, tatlo na agad ang nag-uunahan sa katawan ko.
keep in touch.
naaliw ako sa exchange nyo ni hotchik
Post a Comment