Sunday, January 31, 2010

Happy

Thanks God!

My sister-in-law passed the nursing board exam. `Tis a very good reason to be happy.

Masaya rin na ang pamangkin ko na penpal ko dati bago pa sumikat ang email ay nagpaparating through her youngest sibling na gusto nya mag umpisa ng small selling business and tapping to support them. I would be very pleased to support hese two beautiful daughters of my beloved brother. I wish them -- tingting and mikay – best of luck.

Masaya rin ako kasi nakausap ko si bebe kanina. He expressed his eagerness to work overseas by joining me here in the Saudi capital. Sabi ko sa kanya, hold on to his job while we look for the best channel to be deployed here legally. My beb misses me so much as he asks me not to leave him. Masaya naman ang feeling na may nahuhumaling pa sa akin despite my ugliness.


Masaya rin na pumayag yung amo ko na magbakasyon ako after my collegues 21-day vacation. Right now, I have to save money for my air ticket and allowance to keep me alive for my much awaited vacay.

Masaya dahil legal na ang work status ko dito after my sponsorship has been successfully transferred. Although napakalaki ng gastos at until June ko pang babayaran ang loans ko para lang ma transfer ako ay masaya na rin na may peace of mind.

Super saya rin kasi may bulong-bulongan na bibigyan ako ng performance bonus ng aming CEO, whom I served for few weeks during his secretary’s annual vacation.

Sana totoo para masayang-masaya.

Wednesday, January 27, 2010

blag

Hate na hate ko ang magkasipon. Eto na yata ang pinakaayaw ko sa mga sakit ko. Nakakairita. May allergy kasi ako na rhinitis kaya parang tubig pag tumulo ang sipon ko. Kainis.

Andami pang work sa office. Ang walang katapusang monthly statistical reports ng company, payroll, medical insurance claims at data cleansing campaign, liban sa regular daily work routine on employment recruitment at visa processing.

Andami ko ring personal na bagay na dapat gawin. Isa na rito ang pag samsam ng krismas tri na matagal na dapat natago sa storage room. May mga ipabagahe pa akong mga lighting fixtures para sa bahay ko sa Davao. Di pa rin naempake.

Di ko pa nabili yung bagong laptop para makapagpahinga na ang 10-year old kong Vaio. Ang bigay sa aking Black Berry ay di ko pa rin napapagana. I need to get it configured with a new SIM chip.

I really need help pero wala namang may ganang tumulong sa akin. Lumalapit na lang yata sila kung may problema sa pera. Ano ba naman yan. Di naman ako si Money Villar.

Buti na lang bumabalik na ang mga favorite kong Bloggers gaya ni Bernadette, Batchoi Boy, Mandaya, Spoolarist, Jericho at Rey. Thanks sa walang absent na blog ni Soul Jacker at ni Fuschiaboy DP of Siem R.

Nakakaenganyo tuloy na magsulat muli. Pero dapat bili na rin ako ng matagal ko ng planong bagong digital cam.

Kelan kaya ako magkakapera?

Friday, January 1, 2010

new year na beh

So many things happened but I cant explain why I can’t write.

All I could recall is that after my bebe survived the Superferry sinking, it seems that my adrenalin to write has been exhausted.

Parang wala anmang maniwala sa rason na ito. Kaya sige na, sulat na lang ng sulat.

Nag 2010 na kanina. Andaming welcome greetings sa FB account ko. Parang nakakasuka na. Naisip ko tuloy, bakit ba napaka big deal magka new year na kung tutuusin ay parang patuloy lang naman ang pagsikat ng isang ordinaryong araw.

Aged people has thought of grouping 365 days and as far as I can remember, we celeberate the end and the beginning of each year. Sa Pilipinas, paputok at ingay ang pangsalubong sa bagong grupong ng 365 na araw samantalang karaniwan ng super busy ang huling araw sa pamamalengke ng mga bilog na prutas upang isalubong sa bagong taon.

Marami ring pagkain sa new year kaya kahapon, napag-isipan kong magluto ng puto at arroza valenciana. Pero di pa ako nakabili ng chorizo bilbao.

Ang puto naman, nasa loob ng room ng flat-mate ko yung sugar.

AYoko naman lumabas ng apartment kasi ang ginaw ginaw.

Buti na lang si Zamo at ang asawa nya at anak ay namigay ng seafood bihon at macaroni salad.

At least meron pagkain sa dining table.

In Riyadh, this Christmas and new year holidays are not celebrated. Kaya, ilang taon na rin akong nasanay na dumaan ang bagong set of 365 days pagkatapos dumaan ang lumang taon.

There was no firecrackers. Like an ordinary wee-end, the old year just past.

Anyhow, the puto is done. I got the sugar out of my flatmate’s room.